• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOP 1 MOST WANTED NG NPD, ARESTADO

Matapos ang mahigit dalawang taon pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang Top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin Servano, 42.

 

 

Ayon kay PSSg Allan Ignacio Reyes, alas-12:30 ng hapon nang madakip ang suspek ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt operation ng NPD DID, kasama ang team ng RUI-IG-NCR, DID-NPD at DMFB-NPD sa pangunguna ni P/Major Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Umipig sa kanyang bahay sa Block 6 Lot 36 Tawilis St. Dagat-Dagatan, Caloocan city.

 

 

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Rodolfo P. Azucena Jr. Presiding Judge ng RTC Branch 125 ng Caloocan city dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

 

 

Si Servano ay itinuturing na top 1 most wanted ng NPD matapos mapatay nito si Edgardo Buco noong December 30, 2018 makaraang barilin niya ang biktima sa Kawal St. Brgy. 28, Caloocan city.

 

 

Ayon sa suspek, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng biktima at pinagbantaan umano siya nito na papatayin na naging dahilan upang inunahan niya itong patayin. (Richard Mesa)

Other News
  • LALAKI, NABANGGA AT MULING NAGULUNGAN SA MAYNILA

    NAMATAY sa pinangyarihan ng insidente ang isang 36-anyos na lalaki nang nabangga ng isang motorsiklo at muling nagulungan ang ulo ng isa pang dumaan na nakamotorsiklo sa Tondo, Manila Biyernes ng mandating araw.     Kinilala ang biktima na si Wilson Mallari, ng 2530 Jose Abad Santos, Tondo, Manila dahil sa malalang sugat sa katawan. […]

  • Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre

    NAGBANTA ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre.     Ito, ayon sa SINAG ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim.   […]

  • Coach Yeng Guiao nananahimik

    SA pamantayan ng nakakakilala kay Yeng Guiao, behaved na ang maingay na coach habang minamanduhan ang Team Scottie kontra Team Japeth sa PBA All-Star Game sa Iloilo nitong Linggo.   Kinabitan ng mic sa buong first half ang tactician kaya dinig ang bawat salita.   “Ang hirap magpigil,” nakangiting bulalas ni Guiao. “Wala tuloy mura.” […]