Top 10 worst traffic situation ng ‘Pinas kayang burahin sa loob ng isang taon
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
TIWALA ang Malakanyang na sa loob ng isang taon ay mawawala na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang sitwasyon ng traffic sa buong mundo.
Batay kasi sa Numbeo 2020 traffic index report na nag-sagawa ng pag- aaral sa may 81 bansa, pinakaworst o pinakamalala ang kondisyon ng trapik sa Pilipinas sa South East Asia at pumang- siyam sa buong mundo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, infrastructure projects ang sagot sa problema na ginagawa na ng pamahalaan na malapit ng matapos.
Nandiyan na aniya’t tapos na ang NLEX- SLEX connector, Cavitex project habang kaliwat kanan pang mga proyekto ang tinatapos gaya ng MRT- LRT expansion project na tatagos hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.
Bukod pa sa nandiyan din aniya ang subway project na nasimulan na din habang may tuloy- tuloy pa ang road, iba pang mass transport at infrastructure projects na tiyak ani Roque na magpapatanggal sa Pilipi kahit man lang sa top 20 ng mga bansa sa buong mundo na may pinakagrabeng traffic situation. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
US Embassy sa Ukraine pansamantalang isasara
INANUNSYO ni US Secretary of State Antony Blinken na kanila ng isasara ang US Embassy sa Kyiv, Ukraine dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng Russian forces sa border ng nasabing bansa. Dagdag pa nito na pansamantalang ililipat naman ang maliit na bilang ng mga diplomatic personnel sa Lviv City sa nasabing […]
-
Philippine rowers suportado ng PSC
Bukod sa tulong-pinansiyal ay suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mental health ng mga national rowers na tatarget ng Olympic Games berth sa Tokyo, Japan. Ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) units ng PSC ang nagpapatibay sa pag-iisip ng five man-national rowing team na sasagwan sa 2021 World Rowing Asian-Oceanian Olympic […]
-
Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso
HINDI umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA). Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), […]