• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat

ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente ng No. 103 Celia 2, Barangay Bayan Bayanan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Daro na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Catmon.

 

 

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr, at 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa Interior Street, Brgy. Catmon, alas-10:30 ng umaga.

 

 

Ani Col. Daro, ang akusado ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court Branch 290, noong April 18, 2023, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri naman ni BGen Peñones ang Malabon police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)

Other News
  • CBCP, pinasalamatan ang mga guro

    Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.   […]

  • PEKENG OPERATION ORDER HUWAG MANIWALA

    NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI)  sa mga dayuhan hinggil sa isang pekeng operations order na kumakalat sa mga chat group sa internet.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang kumakalat na operation order na may titulong ‘checking overstaying and illegal employment in various entertainment places’ ay hindi inisyu ng BI.   […]

  • Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso

    UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).  Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre […]