• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 3 most wanted person ng NPD, nasilo sa Caloocan

ISANG lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Kalbo”, 39 ng Brgy., 176, Bagong Silang ng lungsod.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lavuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intillegence Section (SIS) ng Caloocan police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy., 180 ng lungsod.

 

 

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Maj. John David Chua, kasama ang Police Sub-Station 15 sa pangunguna ni P/Cpt. Gomer Mappala sa koordinasyon kay IDMS chief P/Maj. Jansen Ohrelle Tiglao saka nagkasa ang mga ito ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:00 ng gabi sa Manggahan, Barangay 180.

 

 

Ani Maj. Chua, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 129 Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila noong December 19, 2023, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang pinaigting na operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Caloocan CPS habang hihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga nabigong maghain ng kanilang Income Tax Return, maparurusahan- Sec. Dominguez

    SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maaari nang parusahan ang mga taong nabigo na maghain ng kanilang income tax returns sa ilalim ng umiiral na tax regulations.     Matatandaang, inalis lamang noong 1992 ang probisyon ukol sa pag-exempt na maparusahan o pagmultahin ang mga taong nabigong makapaghain ng income tax returns.   […]

  • NBI pinakikilos vs international fraud syndicate na nambibiktima ng OFWs

    KINALAMPAG  ng isang consumer group ang National Bureau of Investigation (NBI) para maaksyunan ang pambibiktima ng mga internasyunal na sindikato sa bank fraud na bumibiktima ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging mga lokal na empleyado sa bansa. Ayon sa Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (ACTNB), target umano ng sindikato na […]

  • Ginebra target si Anthony; Mariano, Balanza itatapon sa Batang Pier

    Asam ng Brgy. Ginebra na masungkit ang kampeonato sa 45th season ng PBA na Philippine Cup sakaling matuloy ang pagbubukas ng pro-league sa Oktubre o Nobyembre.   Sa umuugong na usap-usapan sa pagitan ng NorthPort Batang Pier at ng crowd favorite Brgy. Ginebra, target umano ng Gin Kings na makuha ang kalibre ni Sean Anthony […]