Top 4 most wanted person ng Malabon, nakorner sa Navotas
- Published on October 16, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa selda ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Lungsod ng Malabon matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operatio sa Navotas City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 47-anyos na akusadong nasa Top 4 Most Wanted Person ng Malabon police.
Kaagad inatasan ni Col. Cortes ang mga tauhan ng Warrant of Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa gagawing pagtugis sa akusado.
Katuwang ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station (SS4), agad nagsagawa ang WSS team 1 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:55 umaga sa Bangus Street Barangay, NBBS Kaunlaran.
Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Cortes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 170, Malabon City, para sa kasong Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment orde mula sa korte.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan dahil sa kanilang matagumpay na pagtugis kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)
-
“Agila” Natividad bagong OMB chair
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe, at bagong Chairperson ng Optical Media Board (OMB). Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad. Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay […]
-
P12.4 B CRK terminal building nagkaron ng inagurasyon
Nagkaron ng inagurasyon ang P12.4 state-of-the-art na terminal building ang Clark International Airport na ginanap noong nakaraang Sabado. Ang nasabing bagong airport ay mayroon state-of-the-art features tulad ng contactless baggage handling at passenger check-ins and check-outs na siyang kinatuwa ni President Duterte ng siya ay dumalo sa inagurasyon. “We are thankful […]
-
Tickets sa US Open tennis nagkakaubusan matapos ang anunsiyong pagreretiro ni Serena Williams
DUMAMI ang bumili ng tickets ng US Open tennis ilang oras matapos ang anunsiyo ni US Tennis star Serena Williams ng kanyang napipintong pagreretiro sa laro. Ayon sa StubHub ang ticket retailers na tuwing may mga manlalaro na nag-anunsiyo ng kanilang retirement ay mabilis na nauubos ang mga tickets. Matapos kasi […]