Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng 826 Interior Naval St. Brgy. Sipac-Almacen ay dahil sa ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation ng mga tauhan ng Warrant Section.
Sinabi pa ni Col. Balasabas na ang naarestong suspek ay matagal ng wanted mula ng 2015 matapos ang ginawang sexually abused sa kanyang 16-anyos na pamangking babae.
Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Carlos M. Flores ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, para sa kasong paglabag sa Sec 5 (b) ng R.A. 7610 o Child Abuse.
Kasalukuyang nakapiit ngayon si Belista sa Navotas City Police Station habang hinihintay ang commitment order na i-isyu ng Malabon RTC. (Richard Mesa)
-
Pagbibitiw sa tungkulin ni Sec. Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte
TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa “medical reason.” Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng Pangulo para pansamantalang humalili kay Sec. Avisado si Usec. Tina Rose Marie L. Canda bilang Officer-in-Charge ng Budget Department […]
-
Gov’t uutang muli sa BSP ng P300 Billion
Muli na namang uutang ang administrasyong Duterte sa sunod na taon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang pondohan pa rin ang ang mga programa laban sa COVID-19. Gayunman ang halagang uutangin ay mas mababa umano kumpara sa mga nakalipas dahil na rin sa pagganda ng bahagya sa kondisyon sa ekonomiya. […]
-
DepEd sa mga schools: ‘Huwag masyadong dumepende sa printed modules sa distance learning’
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na hindi masyadong dedepende sa printed modules ang mga paaralan bilang paraan sa paghahatid ng mga lesson sa mga estudyante. Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bagama’t kinikilala nila ang paggamit ng printed na self-learning modules na magagamit ng mga mag-aaral na hindi maka-access sa digital modules o […]