• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 5 at 7 most wanted person ng NPD, nabitag sa Caloocan at Valenzuela

LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang Top 5 at 7 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos malambat sa magkahiwalay na manhunt operations Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ipinag-utos ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang pagpapaigting sa pagtugis kay alyas “Boy Manyak” upang mabigyang katarungan ang sinapit ng dalagitang kanyang pinagsamantalahan noong nagdaang taon hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Investigation and Detective Management Section (IDMS), Northern Maritime Police Station at RIU-NCR, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang SIS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado, dakong alas-5 ng hapon sa Phase 8a, Block 89, Lot 28, Brgy. 17 Bagong Silang.

 

 

Ani Col. Lacuesta, binitbit ang akusado sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Branch 131 na may petsang Disyembre 28, 2023 para sa kasong Statutory Rape at Lascivious Conduct sa ilalim ng R.A. 7610 o Special Protection Against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga tauhan ng SIS ng Valenzuela police sa manhunt operation sa harap ng isang gas station sa Mac Arthur Hi-way, Brgy. Malinta bandang alas-11:15 ng gabi ang isa pang akusado na nasa top 5 MWP naman ng NPD na si alyas “Dodong”.

 

 

Ayon kay Valenbzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S Mendoza-Francisco ng RTCt, Branch 270, Valenzuela City noong August 23, 2021, para sa kasong Sec. 2. Par. 2 of the RPC as amended by R.A. 8353 of RPC Art 266-A (Rape) and Sec. 2, Par 1(B) of the RPC as amended by RA 8353 of RPC Art. V266-A (2 counts of Rape).

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen, Rizalito Gapas ang Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • Top 2 most wanted person ng Hernani MPS, timbog sa Caloocan

    MAKALIPAS ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang kelot na wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P?lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Nelson Alidon, […]

  • May mga pasabog at sorpresa sa fans: JULIE ANNE at RAYVER, ikukuwento ang love story sa kanilang concert

    IKUKUWENTO nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang love story nila sa nalalapit na concert nila na JulieVerse sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater.     Ayon sa “JulieVer” loveteam, nagsimula silang dalawa bilang co-hosts sa show na ‘The Clash’ hanggang sa maging more than friends na ang turingan nila. Kaya […]

  • Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter

    TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan.     Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter.     […]