Top 6 most wanted person ng NPD, natimbog ng Valenzuela police sa Samar
- Published on August 8, 2023
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang manyakis na lalaking akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos matunton ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang kanyang pinagtaguang sa lalawigan ng Samar, kamakalawa ng tanghali.
Inaprubahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang hiling ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. na payagang bumiyahe sa lalawigan ng Samar ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police makaraang makumpirma na doon nagtago ang lalaking may nakabimbing kaso ng statutory rape at rape by sexual assault sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC).
Sa kanyang report kay BGen. Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatala ang akusadong si Jerwin Diaz, 31, residente ng 10-D Bonifacio St. Brgy, Canumay East bilang Top 6 Most Wanted Person ng NPD at Top 2 naman sa Lungsod ng Valenzuela matapos takasan ang kasong kanyang kinakaharap.
Armado ng arrest warrant na inilabas noong Hunyo 29, 2023 ni Valenzuela RTC Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16 laban sa akusado, bumiyahe patungo sa bayan ng Sta Margarita sa Samar ang mga operatiba ng WSS, sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista.
Sa tulong ni P/Lt. Elbest Taping, ang hepe ng Sta Margarita Municipal Police Station, natunton ng mga operatiba ng WSS ang akusado sa Barangay Napuro 2 sa naturang bayan na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya dakong alas-12 ng tanghali.
Ayon kay P/Lt. Col. Concepcion Salas, hepe ng Public Information Office (PIO) ng NPD, pansamantalang ipiniit muna sa Sta Margarita Police Station ang akusado bago ibiyahe patungo sa tanggapan ng WSS ng Valenzuela Police Station upang isailalim sa tamang dokumentasyon habang hinihintay ang kautusan ng hukuman. (Richard Mesa)
-
Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY
FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye. Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang […]
-
IATF, niratipikahan ang panukala na i-endorso ng DoT na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers
NIRATIPIKAHAN kahapon sa Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang panukala na i-endorso ng Department of Tourism na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino property sa Parañaque City. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ang napagkayarian sa IATF meeting kahapon. Kung okay […]
-
Panawagan ni PBBM sa Pag-IBIG, gawing mas ‘accessible’ ang ‘home loans’
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na gawing mas accessible sa mga Filipino ang kanilang home mortgage financing upang matugunan ang housing backlog sa bansa. Sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for Year 2023 sa Pasay City, binati ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund para sa record-high […]