• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top Radio Anchors sa Bansa, Tampok sa mga Bagong Programa ng Radyo5

NGAYONG 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!” 

Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to love guru ng bansa, ang Dr. Love ni Bro. Jun Banaag. Mula Lunes hanggang Biyernes, 10pm to 12mn, tutulungan ni Bro. Jun ang mga magkarelasyon sa kanilang mga love problems at gagabayan sila sa mga pinagdadaanan nilang mga pagsubok.

Sa darating na Enero 23, mapapakinggan na sa Radyo5 ang iba pang mga bagong weekday programs tulad ng Bangon Bayan with Mon mula 4am hanggang 6am, Sagot Kita! ni Cheryl Cosim mula 4pm hanggang 5pm, Good Vibes ni Laila Chikadora at Stanley Chi mula 6:30pm hanggang 8pm, at Pinoy Konek ni Danton Remoto mula 9pm hanggang 10pm.

Gigisingin ng morning energy ni Mon Galvez ang mga listeners sa kanyang infotainment program na Bangon Bayan with Mon. Ipadadama naman ni Cheryl Cosim ang kanyang passion for public service sa Sagot Kita! sa kanyang pagtulong sa mga Pilipinong idudulog ang kanilang pangangailangang makipag-ugnayan sa mga government agencies.

Hatid naman nina Laila Chikadora at Stanley Chi ang lighter side ng mga balita sa kanilang programa na Good Vibes. Ibabahagi ng dynamic duo na ito ang latest pop culture at social media trends na tiyak na mae-enjoy ng mga guests at callers. Pagdating naman sa usapang OFW, handang tumugon si Danton Remoto sa Pinoy Konek, na magkukunekta sa mga listeners at magbabahagi din ng mga napapanahong usapin at magtatalakay ng modern at folk literature, musika at Philippine history.

Ang Radyo5 ang tunay na tahanan ng mga nangunguna at respetadong radio anchors sa bansa, at patuloy ito sa paghahatid ng mga kilala at tinatangkilik na radio programs tulad ng Ted Failon and DJ ChaCha, Cristy Ferminute ni Cristy Fermin, at Wanted sa Radyo ni Sen. Raffy Tulfo.

Magandang panimula sa year of the rabbit ang exciting news, public service at entertainment program offerings ng Radyo5 ngayong 2023. Para sa karagdagang updates, i-like at i-follow ang Facebook page ng Radyo5 sa  www.facebook.com/Radyo5PH at laging makinig sa Radyo5 92.3 FM.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bulacan, tumanggap ng parangal bilang Best Performing LGU

    LUNGSOD NG MALOLOS- Hinirang ang Lalawigan ng Bulacan bilang isa sa mga Best Performing Local Government Unit sa kategoryang Total Doses Administered noong National Vaccination Days sa ginanap na Recognition of the Best Performing Local Government Units on Safety Seal Certification Program, VaxCertPH Program, and National Vaccination Days sa Main Mall Atrium, SM Mall of […]

  • Ini-release na ang debut single na ‘Room’: STELL, suportado ang solo career ng mga ka-grupo sa SB19

    INILUNSAD na si Stell sa kanyang solo career sa pamamagitan ng inaabangang debut single na “Room.”       Natutuwa ang Warner Music Philippines na i-welcome ang soulful singer ng kinikilalang P-Pop group na SB19 sa kahanga-hangang listahan ng mga Filipino artist.       Simula sa bagong release na ito, ang Warner Music Philippines […]

  • Kidapawan, DavNor swimmers magilas sa FINIS Mindanao leg

    UMAGAW ng eksena ang mga tankers ng Kidapawan Long Wave Swim Team at DavNor Blu Marlins Swim Team sa Mindanao leg ng 2022 FINIS Short Course Swim Series sa Governor Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti. Davao del Sur.     Sinabi ni FINIS Phi­lippines Managing Director Vince Garcia na ang […]