‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado na ni Marcos
- Published on September 29, 2023
- by @peoplesbalita
PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng paggawa.
Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy workers sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives.
Gayundin ang pagsuporta sa micro, small at medium enterprises at industry stakeholders.
Nakasaad din sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ang paglikha ng trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council na pamumunuan ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ang co-chairman nito ay ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).
Sila rin ang babalangkas ng isang master plan para sa employement generation at recovery.
Kaagad naman ipinag-utos ni Marcos na balangkasin ang implementing rules and regulations para agad na mapakinabangan ng mga manggagawa.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng bagong batas ay mabubuksan sa mga Filipino ang bagong yugto para sa sapat at de kalidad na trabaho para sa lahat.
-
PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutuldukan na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. “Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, […]
-
Suns inilampaso ang Wizards, napantayan ang Warriors bilang top team sa record wins
Inilampaso ng Phoenix Suns ang Washington Wizards, 118-98. Dinomina ang Suns players ang laro sa pangunguna nina Deandre Ayton, JavVale McGee at Chris Paul upang itala ang kanilang ika-23 panalo. Dahil dito napantayan na ng Suns ang Warriors sa pagiging top team ngayon sa NBA. Mula noong Oct. 27 […]
-
Hidilyn Diaz mangunguna sa weighlifting team ng bansa para sa SEA Games
PANGUNGUNAHAN ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games. Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng […]