• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trading card ni LeBron James, naibenta ng halos $2-M sa auction

Nabenta ang kakaibang trading card ni NBA superstar LeBron James ng tumataginting na $1.8-milyon o halos P89-milyon.

 

Ayon sa Golden Auctions, binura ng modern trading card ni LeBron ang naitalang record ni Los Angeles Angels star Mike Trout na umabot lang ang halaga sa $923,000 noong Mayo.

 

Batay sa ulat, lumikha ng 23 kopya ang Upper Deck ng nasabing card na pinirmahan ni LeBron noong rookie season nito sa Cleveland Cavaliers.

 

Nasa “gem mint” condition na may 9.5 grade ang card na nabili ng kolektor na si Leore Avidar.

 

Si LeBron, na naging 16-time All-Star at four-time Most Valuable Player, ay hinahabol ang kanyang ikaapat na NBA title at una kampeonato bilang miyembro ng Lakers.

 

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang 35-year-old veteran sa kasaysayan ng liga na may 34,087 points.

Other News
  • Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

    Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.     Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na […]

  • Kelot na umiwas sa multa, laglag sa selda sa Caloocan

    SA halip na multa lang, sa loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga […]

  • Travel restrictions sa mahigit 30 bansa extended hanggang Enero 31

    EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit na 30 bansa hanggang Enero 31, 2021 ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang Enero 31, 2021 ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng biyahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang…   The United Kingdom  Denmark […]