• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Traffic management plan sa SONA, plantsado na

TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Sinabi ni MMDA Ac­ting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang mamahala sa trapiko ng sasakyan at pedestrian, sa pagtugon sa emergency, paglilinis ng mga kalsada at bangketa, crowd control, at pagsubaybay sa trapiko.
“The MMDA is 100 percent ready for PBBM’s SONA. We are in close coordination with the Task Force SONA 2024, Que­zon City Police District, Presidential Security Command, House of Representatives, and Quezon City government to ensure a safe, peaceful and orderly SONA,” ani Artes.
Dagdag pa ni Artes, magpapatupad ang ahensya ng “no day off, no absent” policy sa mga nakatalagang tauhan upang matiyak ang epektibong delegasyon ng mga tungkulin sa pagsasagawa ng SONA.
Bilang bahagi ng traffic management plan nito, magpapatupad ang MMDA ng zipper lane o counter flow sa southbound portions ng Commonwealth Avenue para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.
Ang Batasan-IBP Road ay isasara sa vehicular traffic alas-8:00 ng umaga bilang bahagi ng pinaigting na security measures para sa ika-3 SONA ng Pangulo.
Sa northbound (Que­zon Memorial Circle hanggang Fairview), ang mga sasakyan mula sa Elliptical Road ay dapat dumaan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Sauyo Road o dumaan sa Quirino Highway upang marating ang destinasyon.
Sa southbound (Fairview hanggang Quezon Memorial Circle), ang mga sasakyan mula sa Commonwealth Avenue ay dapat dumaan sa Sauyo Road o Quirino Highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa North Ave­nue upang marating ang destinasyon.
Other News
  • Magkasama sana sila sa filmfest movie ni Judy Ann: VILMA, ipinaliwanag kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ na dream project niya

    SA grandest and the fabulous mediacon ng “Uninvited “ ang naganap last Wednesday, November 20 sa The Grand Ballroom ng Solaire Resort North.   Siyempre present ang mga bidang sina Star for all Seasons Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.   Kasama rin sa movie sina Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Nonie Buencamino, Ketchup […]

  • Malawakang information drive sa COVID-19 vaccines, hirit sa IATF

    Nanawagan kahapon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force on the Ma­nagement of Emer­ging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang CO­VID-19 vaccines.     Ang pahayag ni Robes ay ginawa sa layuning maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa […]

  • Ads December 16, 2023

    adsdec_162023