Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics.
Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics.
Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang training camp.
Sa katunayan, mga world-class coaches ang humahawak dito kabilang na sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune.
Maraming estratehiya ang itinuturo kay Marcial na magagamit nito sa tangkang masikwat ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.
Ilan sa mga tinukoy ni Gibbons ang tamang foot work, tamang depensa, tamang posisyon at ilan pang mahahalagang estratehiya.
Tatlong professional fights sana ang plano ng MP Promotions para kay Marcial bago ito tumulak sa Japan.
Subalit binago ng coaching staff ang game plan para mapanatiling fresh ang katawan nito.
Ilang sparring sessions din ang pinagdaraanan ni Marcial laban sa iba’t ibang boksingero mula sa Asya, Amerika at Europa para magamay nito ang estilo ng kanyang mga posibleng makalaban sa Olympics.
Nais ni Marcial na makasama ang isang ABAP coach sa Amerika na magsisilbing katuwang sa pagtutok sa kanyang paghahanda.
Mananatili muna si Marcial sa Los Angeles, California para ipagpatuloy ang pagsasanay nito.
“Maganda ang training ko dahil marami akong natututunan. So tuluy-tuloy lang sa training para makuha ko yung perfect form para sa Olympics,” ani Marcial.
-
Bilang ng MC taxi, ‘di nadagdagan may 3 taon na – LTFRB
NILIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na nadagdagan pa ang bilang ng motorcycle taxi (MC taxi) sa Metro Manila may tatlong taon nang nakararaan. Ito ang reaksyon ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz sa ulat na hindi na makontrol ang pagdami ng bilang ng MC taxis sa NCR. […]
-
Ads July 23, 2024
-
3 most wanted persons, nabitag sa Caloocan
TATLONG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng […]