• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport group humirit ng P15 minimum jeep fare

ISA NA naman transport group ang naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at humihingi ng P15 minimum jeepney fare.

 

Ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang naghain ng nasabing petisyon sa pangunguna ni president Orlando Marquez dahil na rin sa “severity” ng pagtaas ng presyo ng krudong petrolyo.

 

“Our members have felt that the increase in prices of oil and other goods can no longer be dealt with. It has reached the extreme and we won’t be able to survive this,” wika ni Marquez.

 

Sa kasalukuyan, ang minimum jeepney fare ay P9 kada unang apat (4) na kilmetro. Nauna ng naghain ang LTOP ng P12 na minimum fare increase.

 

Ayon kay Marquez, ang paghingi nila ng fare hike ay isang kolektibong desisyon ng mga operators mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na ngayon ay nakakaranas ng hirap upang makapag break even man lamang sa kanilang kita kahit na binalik ang kapasidad ng mga transportasyon pampubliko sa 100 percent.

 

“Our passengers have increased but with the number of our passengers, the huge collection, we hit boundaries to pay only in gasoline stations. It seems as if there are two operators now – the jeepney operators and the increasing costs of goods,” dagdag ni Marquez.

 

Humihingi naman ng paumanhin si Marquez sa mga pasahero na maaapektuhan ng kanilang ginawang petisyon sa pagtataas ng pamasahe na ayon sa kanya ay hindi na nila kaya ang “suffering and losses” na kanilang nararanasan.

 

Samantala, hindi pa rin nabibigay ang fuel subsidy para sa mga public utility vehicles na isa sa mga solusyon na pinangako ng LTFRB sa mga operators at drivers. Ayon kay LTFRB director Zona Tamayo hindi pa nila alam kung kailang maibibigay ang nasabing fuel subsidy subalit kanilang ng minamadali ang proseso sa Department of Budget and Management (DBM).

 

“We will have to understand that we need to balance this because we all know there’s a domino effect should there be a fare hike. It can also affect the prices of other goods,” saad ni Tamayo.

 

Nakikipagusap rin ang LTFRB sa National Economic and Development Authority upang ma asses ang posibleng epekto nito sa mga mamayan.

 

Dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo, tinawagan naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pamahalaan na dapat ay madaliin ang pagpapatupad at pamahahagi ng P2.5 billion na alokasyon para sa financial subsidy at fuel vouchers sa mga kualipikadong public utility vehicle drivers tulad ng taxi, tricycle, bus, jeepneys at full-time riding-hailing at delivery services.

 

Tinawagan na rin ni President Duterte and Kongreso upang repasuhin ang oil deregulation law ng bansa upang mabigyan ng power ang pamahalaan na makialam sakiling tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyon ng krudo. LASACMAR

Other News
  • 7 patay, 120 nasagip sa pagkasunog na barko malapit sa Quezon

    NASAWI ang pito kataong lulan ng barkong MV Mercraft 2 malapit sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real, Quezon ngayong Lunes.     Bandang 6:30 a.m. nang magpadala ng distress call ang naturang sasakyang pandagat mula Pilollo patungong Real, Quezon nang magkaroon ng sunog. Sinasabing nagmula ito sa engine room.     Aabot sa 134 […]

  • TOM CRUISE UPS THE STAKES WITH DEADLIER STUNTS FOR NEW “MISSION: IMPOSSIBLE” FILM

    ON the first day of principal photography on Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, Tom Cruise drove a motorbike off a mountain.    Specifically, he drove a custom-made Honda CRF 250 off a purpose-built ramp on the side of Norway’s Helsetkopen mountain, a vertiginous rock face sat some 1,200 meters above sea level. Then he […]

  • Handog ng Globe para sa kabataang Pinoy: BINI at SunKissed Lola, pangungunahan ang ‘G FEST 2024’

    ANG Globe ay naghahanda upang bigyang-inspirasyon ang mga kabataang Pilipino sa G FEST 2024, na isang electrifying three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao na pinaghalong musika at pagkamalikhain upang magbigay ng inspirasyon sa lakas ng loob at magpakawala ng pagpapahayag ng sarili.     Ang G FEST ngayong taon, bahagi ng taunang pagdiriwang ng […]