• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport groups naghain ng mosyon sa SC pabor sa PUV modernization

NAGHAIN ng mosyon ang iba’t ibang transport groups sa pangunguna ng Pasang Masda sa Supreme Court (SC) upang ipakita ang kanilang suporta sa PUV mo­dernization program.

 

 

Pinangunahan ni Pasang Masda president Ka Obet Martin ang paghahain ng “motion for intervention” na layon ding harangin ang petisyon para sa temporary restraining order (TRO) na inihain ng PISTON sa SC.

 

 

Bukod kay Martin, kasama rin sa naghain ng mos­yon ang grupong ALTODAP sa pamumuno ni Libay de Luna, ACTO ni Boy Vargas, at LTOP ni Lando Marquez Sr, at iba pang transport groups.

 

 

Ayon sa mga intervenors, inihain nila ang mosyon dahil sila ang lubos na maapektuhan kung anuman ang maging aksyon ng Korte Suprema sa petisyon.

 

 

Ipinaliwanag ng mga transport group na layon ng modernisasyon na ma­ging kumportable ang mga pasahero at mas maging sistematiko ang pampublikong transportasyon sa pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng garahe, fleet management systems kabilang ang Automatic fare collection system (AFCS) at GPS, cash/finance management systems.

 

 

Bukod dito, magkakaroon din ng mas maayos na labor standards para sa mga drivers, operators, at transport workers.

 

 

“Wherefore, it is most respectfully prayed that the intervenors be allowed to intervene in this action and the attached opposition-in-intervention be admitted,” ayon sa mosyon.

 

 

Kinontra ni Martin ang sinasabi ng mga kontra sa modernisasyon na magkakaroon ng krisis sa transportasyon at overpriced na presyo ng mo­dern jeeps. Iginiit niya na marami nang suppliers at halos P1 milyon kada unit na lamang ang presyo ng mga modern jeeps.

 

 

Hindi rin umano mawawala ang “iconic jeeps” dahil sa may mga manufacturer na gumagawa na ng disenyo nito na mo­dern jeep basta ayon sa Phi­lippine national standards. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas pinaghahanda sa ‘worst-case scenario’ vs Delta variant

    Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.     Ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, hindi pa rin kasi sapat ang testing na ginagawa sa ngayon at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan […]

  • Yulo tumanggap ng higit P14 milyon cash prize sa Kamara

    TUMANGGAP si Pinoy Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo ng mahigit P14-M cash sa Kamara habang tig P3.5-M ang dalawang boxers na nakasungkit ng bronze medal sa katatapos na Paris Olympic 2024.     “You are our heroes, there is no limit to what we can achieve,” pahayag ni Romualdez.   Ginawaran din si Yulo […]

  • 400 AFP medical reservist ‘ire-recall for active duty’ para tumulong sa COVID fight

    Ire-recall na for active duty ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 380 medical reservists para tumulong sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.   Ipinag-utos kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-recall to active duty ang kanilang mga medical reservists kung hindi pa […]