Transport groups naghain ng mosyon sa SC pabor sa PUV modernization
- Published on January 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng mosyon ang iba’t ibang transport groups sa pangunguna ng Pasang Masda sa Supreme Court (SC) upang ipakita ang kanilang suporta sa PUV modernization program.
Pinangunahan ni Pasang Masda president Ka Obet Martin ang paghahain ng “motion for intervention” na layon ding harangin ang petisyon para sa temporary restraining order (TRO) na inihain ng PISTON sa SC.
Bukod kay Martin, kasama rin sa naghain ng mosyon ang grupong ALTODAP sa pamumuno ni Libay de Luna, ACTO ni Boy Vargas, at LTOP ni Lando Marquez Sr, at iba pang transport groups.
Ayon sa mga intervenors, inihain nila ang mosyon dahil sila ang lubos na maapektuhan kung anuman ang maging aksyon ng Korte Suprema sa petisyon.
Ipinaliwanag ng mga transport group na layon ng modernisasyon na maging kumportable ang mga pasahero at mas maging sistematiko ang pampublikong transportasyon sa pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng garahe, fleet management systems kabilang ang Automatic fare collection system (AFCS) at GPS, cash/finance management systems.
Bukod dito, magkakaroon din ng mas maayos na labor standards para sa mga drivers, operators, at transport workers.
“Wherefore, it is most respectfully prayed that the intervenors be allowed to intervene in this action and the attached opposition-in-intervention be admitted,” ayon sa mosyon.
Kinontra ni Martin ang sinasabi ng mga kontra sa modernisasyon na magkakaroon ng krisis sa transportasyon at overpriced na presyo ng modern jeeps. Iginiit niya na marami nang suppliers at halos P1 milyon kada unit na lamang ang presyo ng mga modern jeeps.
Hindi rin umano mawawala ang “iconic jeeps” dahil sa may mga manufacturer na gumagawa na ng disenyo nito na modern jeep basta ayon sa Philippine national standards. (Daris Jose)
-
Sports facilities ng PSC, ikinandado; ilang staff nagpositibo sa coronavirus
Isinara simula ngayong araw (Agosto 12) ang dalawang pangunahing sports facilities ng bansa matapos magpositibo sa coronavirus ang ilang staff nito, ayon sa ulat. Base sa inilabas na memorandum ng Philippine Sports Commission (PSC), pansamantala muna nilang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORT Complex sa Pasig City upang magsagawa ng […]
-
Utang ng bansa, lumobo pa sa P15.35T
INIULAT ng Bureau of Treasury na lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T as of May ng kasalukuyang taon. Ayon sa ahensya, ang kabuuang utang ay tumaas ng P330.39 bilyon o katumbas ng 2.2 percent sa katapusan ng April 2024. Ito ay dahil na rin sa epekto ng […]
-
Ads January 21, 2025