• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport groups umaangal sa no-contact apprehension policy

ISANG coalition ng mga transportation rights groups ang umaangal sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng karamihan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

 

Tinatawagan ng The Stop NCAP coalition ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang repasuhin at ayusin ang mga lapses sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

Parehas nahihirapan ang drivers at operators ng mga pribado at pampublikong transportasyon dahil sa NCAP.

 

 

Ang The Stop NCAP coalition na binubuo ng motorcycle rider groups, drivers at operators ng mga pampublikong transportasyon, kasama rin ang transport network vehicle service (TNVS) ay umaangal sa mataas at hindi makataong multa na pinapataw sa mga may-ari ng mga sasakyan.

 

 

Ayon kay Yob Bolanos ng Motorcycle Rights Organization na naniniwala sila na ang intension ng NCAP ay mabuti subalit ang pagpapatupad ng polisia ay “highly irregular.”

 

 

“We call on our local government units to review their ordinances and fix the confusing road markings and traffic signs and we would like to seek the reduction of the inhumane penalties by these programs,” wika ni Bolanos.

 

 

Ang mga motorista at PUV drivers ay nagrereklamo dahil ayon sa kanila ay maling pagmumulta para sa mga infractions laban sa traffic at road safety regulations. Ayon sa coalition, ang may-ari ng pribadong sasakyan at mga PUV ay nakakatangap ng mga late notifications para sa multiple violations na may malaking multa na mahirap ng bayaran.

 

 

Inihalimbawa ni president Modesto Floranda ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide(Piston) ang nangyari sa isang taxi driver na nahuli sa CCTV para sa 3 violations habang nakahinto sa traffic na pinatawan ng P70,000 na multa.

 

 

“One simple violation, he got stuck in the yellow box. What’s painful about this is you have on violation, but CCTV operators may flag you for two or three more violations on a whim,” saad ni Floranda.

 

 

Kung kaya’t nagpunta ang coalition sa Land Transportation Office (LTO) upang maghain ng kanilang position tungkol sa NCAP.

 

 

“We would like to seek the help of our national agencies to find a solution to pass the violation to the driver and not on the vehicle,” wika ni Bolanos ng LTO.

 

 

Ang LTO ay siyang ahensiya na may authority upang hindi payagan ang mga sasakyan na makapag renew ng rehistro kapag may pending na NCAP cases. LASACMAR

Other News
  • DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

    Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “qua­rantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya.     Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez,  sapat na muna ang umiiral na general community […]

  • Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – NWRB

    TINIYAK ng  National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.     Ayon kay NWRB ­Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito.     […]

  • National Board of Canvassers, binuo na

    PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.     Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng […]