Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan
- Published on November 24, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.
Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market Road, Construction of Two Units of Health Center at Electrification Project.
Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.
Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.
“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.
Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Nag-react agad nang mabasa ang tweets: OGIE, itinanggi na may ‘marital problems’ sila ni REGINE
AGAD na nag-react ang singer-songwriter-tv host na si Ogie Alcasid nang mabasa ang tweets na may problema raw sila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez. Kaya tweet ni Ogie, “I have read some tweets about my wifey and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in […]
-
ARJO, first choice sa ‘Yorme’ at tinanggihan din ni MATTEO kaya napunta kay XIAN
SA June ang target release date ng Yorme, ang film bio ni Manila Mayor Isko Moreno. Ayon sa nasagap namin chika, June 24 ang premiere ni Yorme at gagawin ito sa Manila Metropolitan Theater, na muling bubuksan sa publiko matapos ang rehabilitation nito. Naantala raw ang shooting ng Yorme matapos maging […]
-
Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda
ISINUSULONG sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan. Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program. Sa kabila na […]