Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20.
Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin ang 50% capacity sa lahat ng sektor ng transportasyon.
Subalit sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang mga authorized persons outside residence (APORs) lamang ang papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon na naaayon sa ipinapatupad na guidelines ng IATF.
“Only authorized persons outside residence (APORs) would be allowed on public transport services in accordance with omnibus guidelines of IATF,” wika ni Tugade.
Pinaalalahanan ang mga APORs na magdala at magpakita ng kanilang IDs at iba pang mga dokumento sa mga transport marshals kung sila ay sasakay.
Habang may ECQ, ang mga pampublikong sasakyan tulad ng buses at jeepneys ay pinapayagan ng magkaron ng 50 percent capacity subalit one-seat-apart at wala dapat na nakatayo na mga pasahero. Ang mga motorcycle taxi services at transport network vehicle service operations ay pinapayagan din.
Pinapayagan din ang operasyon ng mga tricycles sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng local government unit (LGU) subalit dapat ay isa lamang ang sakay.
Ang mga trains naman tulad ng Light Rail Transit Line 1(LRT Line 1), Metro Rail Transit Line 3(MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT Line 2), at Philippine National Railways (PNR) ay mananatiling may operasyon sa loob ng dalawang (2) linggo na may ECQ.
“All trains of PNR, LRT 2, LRT 1, and MRT 3 will have transport marshals to enforce health protocols and to identify APORs. Trains will also be disinfected after every loop,” dagdag ni Tugade.
Mayron din mga domestic flights at local sea travel sa NCR habang may ECQ subalit subject sa community quarantine restrictions ng kanilang pupuntahan.
Ang mga transport marshals ay mahigpit na magpapatupad seven (7) commandments ng public transport safety sa mga estasyon at terminal ng mga transportasyon ganon din sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Mahigpit na ipinatutupad ang social distancing, paggamit ng face mask at face shield, at ibp health at safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.
“We are at the DOTr reiterate the need for us to strictly observe the necessary health and safety measures aboard public transportation. We are more adamant now, as we reinforce the government initiatives and measures to prevent to spread the highly-transmissible Delta variant,” saad ni Tugade. LASACMAR
-
15K NA MGA COVID19 CONTRACT TRACER HANAP MULI NG DILG
TATANGGAP muli ang Department of the Interior and Local Governmen (DILG) ng may 15,000 contact tracers para sa COVID-19 contact-tracing efforts. Kailangan ngayon ang mga ito lalo na at may bagong UK variant ng COVID19 na nakapasok na sa bansa. Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG […]
-
Sa mga pinagdaanang hirap… MARK, nakaranas din ng matinding anxiety dahil sa pandemya
HINDI namin sinasadyang paiyakin ang hunk actor/singer na si Mark Rivera nang makausap namin siya kamakailan. Napadako kasi ang usapan namin sa nagdaang kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 na nagsimula noong 2020 kung kailan nag-impose ng mahigpitang lockdown sa buong mundo. At si Mark ang isa sa pinaka naapektuhan ng nasabing […]
-
Ads January 11, 2022