• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.

 

 

“Those with a travel history from these countries within the last 14 days before arrival are also temporarily banned from entering,” ayon kay Morente.

 

 

Hindi naman sakop nito ang mga ‘transiting passengers’ o iyong gagawing ‘stop-over’ lamang ang Pilipinas at hindi naman lalabas ng mga paliparan.

 

 

Patuloy pa rin naman ang restriksyon sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista maliban na lamang kung may awtorisasyon buhat sa Department of Foreign Affairs (DFA). (Gene Adsuara)

Other News
  • Maligayang ika-49th Founding Anniversary sa ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority

    Pagbati na din sa Kappa Rho Community Chapter ng Valenzuela Skeptron Council na magdiriwang ng ika-9th Chapter Anniversary sa August 13, 2022, lalo kay Chairman Edmar Jimenez, Founder/Organizer Roi Alabastro at Grand Skeptron Carl Dacasin.   (CARDS)

  • 14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

    NASAGIP  ng mga ahente ng  National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang  apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas .       Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, […]

  • 625 city ordinance violators, huli sa Caloocan

    Hindi bababa sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod.     Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng […]