Travel ban sa Indonesia inutos ni Duterte
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa Indonesia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang Delta variant doon.
Ang travel ban sa Indonesia ay magsisimula ng 1 AM araw ng Huwebes at magtatapos hanggang sa Hulyo 31.
Lahat ng may biyahe mula sa Indonesia sa nakalipas na 14-araw ay hindi papasukin sa Pilipinas.
Habang ang mga pasahero na naka-transit na galing sa naturang bansa at lahat ng mga paparating na naririto na bago mag-12:01 ng Hulyo 16 ay papasukin sa bansa subalit kailangan nilang sumailalim sa 14-day facility quarantine at kailangan din sumailalim sa negative RT-PCR test.
Una nang pinalawig ang travel ban hanggang Hulyo 31 sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman na kinakitaan din ng pag-atake ng Delta variant.
Kasalukuyang nakararanas ang Indonesia ng ‘surge’ dahil sa Delta variant. Nitong Martes, record-high na 47,899 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa naturang bansa dahilan para magkaroon na ng kakapusan sa suplay ng oxygen sa naturang bansa.
Nais ng Pilipinas na maiwasan ang kahalintulad na krisis sa Indonesia makaraang makapagtala na ng 19 na kaso ng Delta variant ang bansa na pawang mga biyaherong Pilipino. (Daris Jose)
-
Metro Manila balik sa mas mahabang curfew
Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong ng […]
-
Pinas ‘di pa handang magtanggal ng face masks – experts
HINDI pa kumbinsido ang health experts sa bansa na magtanggal na ng face masks ang publiko dahil wala pang sapat na “armamentarium” sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit, sa pagtingin ng mga lokal na eksperto, hindi pa panahon […]
-
VP Duterte, umupo na bilang council president ng Southeast Asian education organization
UMUPO na si Vice President and Education Secretary Sara Duterte bilang council president ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO). Pebrero 8 nang umupo si Duterte sa kanyang posisyon kasabay ng opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, kung saan ang Pilipinas ang papalit sa liderato ng organisasyon. Pinalitan ng Pilipinas ang Singapore. […]