Travel ban sa Singapore, posibleng isama dahil sa COVID-19
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) kung isasama na rin ang Singapore sa travel ban dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease o COVID-19.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na imakiki-pagpulong siya sa inter-agency task force at ipiprisinta niya ang risk assessment upang matukoy kung napapanahon na bang isama na rin dito ang Singapore.
“‘Yung risk assessment ipi-present ko mamaya sa inter-agency task force kung napapanahon na i-exclude natin ang Taiwan o Hong Kong. O kung dapat ba nating i-include ang Singapore,” ayon kay Duque.Pero as of press time ay na-lift na ang ban sa Taiwan ng pamahalaan.
Napaulat na mayroon ng 50 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore, base na rin sa datos ng World Health Organization (WHO), habang umaapela naman ang Taiwan sa pamahalaan na irekonsidera ang ipinatutupad nilang travel ban sa kanilang bansa. (Gene Adsuara)
-
Robredo, Moreno walang kuwestiyon sa COC
POSIBLENG anumang oras ngayon ay maiproklama na sina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa. Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na dahil sa manifestation ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo […]
-
Jason Momoa Invites In An Adventure Into The World Of Dreams
THIS holiday season Jason Momoa invites you on an adventure into the world of dreams. Slumberland comes to Netflix on November 18. About SLUMBERLAND: Slumberland takes audiences to a magical new place, a dreamworld where precocious Nemo (Marlow Barkley) and her eccentric companion Flip (Jason Momoa) embark on the adventure of a lifetime. After her father […]
-
SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang
LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa 24% noong December 2021. Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang […]