Travel ban sa South Korea, ipatutupad na
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
Inianunsyo ng Malacañang na nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magpapatupad na rin ng ban na makapasok ng Pilipinas ang mga biyaherong manggagaling mula North Gyeongsang province ng South Korea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsa-sagawa pa ng risk assessment ang task force sa loob ng 48 oras kung kailangang palawakain ang mga lugar sa South Korea na sasaklawin ng travel ban.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ay ipaiiral muna ang mahigpit na protocols sa mga manggagaling sa ibang bahagi ng South Korea.
Papayagan ang mga Pilipino na makabiyahe ng South Korea kung sila ay permanent residents doon, aalis para mag-aral o kaya overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho doon.
“The IATF has authorized Filipinos to travel to South Korea, provided that they are permanent residents thereof, leaving for study, or are overseas Filipino workers therein. They are to execute and sign a declaration, signifying their knowledge and understanding of the risks involved, prior to their travel,” ani Sec. Panelo.
“With respect to other parts of South Korea, the IATF shall conduct a risk assessment of the situation in the aforesaid country within 48 hours to analyze whether it is necessary to expand the travel ban thereto. In the meantime, strict protocols with respect to travelers entering the country from these areas in South Korea will continue to be observed.” (Daris Jose)
-
PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa. Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]
-
Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin – DOTr
PABIBILISIN ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa libu-libong tricycle drivers na hindi pa natatanggap ang bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilaan ng pamahalaan. Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-usapan nila ni DOTr Sec. Jaime Bautista kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng subsidy dahil hirap na hirap […]
-
Maraño may kondisyon sa pagpagupit ng buhok
SABAY tayo! Ito ang ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Marano ng F2 Logistics Cargo Movers sa nobyong si Philippine Basketball Association (PBA) Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort Batang Pier. Kaugnay ito sa kontrahan nila sa pagpapaputol ng buhok ng 28-anyos, 5-9 ang taas at Ilongga middle hitter. […]