• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official ang dinakip na si Leonardo Dela Cruz, ng 67 Ignacio St. Bacog, Navotas city.

 

 

Sa report nina PSSg Diego Ngippol at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, alas-5:47 ng umaga, nakabantay ang mga tauhan ng Sub-Station 6 na sina PCpl John Carlo Mata at PCpl Bengie Nalogoc sa quarantine control point (QCP) sa Estrella St. Brgy. Tañong nang makita nila ang papalapit na suspek sakay ng kanyang minamanehong tricycle kaya’t pinara nila ito.

 

 

Natuklasan ng mga pulis na nagmula si Dela Cruz sa Navotas city at pumasok sa lungsod ng Malabon na isang paglabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t inisyuhan siya ng OVR saka pinabalik sa kanyang pinanggalingan.

 

 

Gayunman, ilang sandali ang lumipas ay bumalik si Dela Cruz at inalok ng areglo ang mga arresting officers sabay abot ng P1,000 bilang suhol na naging dahilan upang tuluyan siyang inaresto ng mga pulis. (Richard Mesa)

Other News
  • Bilateral relations ng Amerika at Pilipinas, hindi magbabago sinuman ang manalo sa US Presidential elections – Malakanyang

    MANANATILI at walang magbabago sa bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos sinuman kina re- electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong presidential election.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinuman ang tanghaling Presidente ng Amerika matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling mainit ang […]

  • Ads December 21, 2021

  • Ads July 28, 2023