• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilateral relations ng Amerika at Pilipinas, hindi magbabago sinuman ang manalo sa US Presidential elections – Malakanyang

MANANATILI at walang magbabago sa bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos sinuman kina re- electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong presidential election.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinuman ang tanghaling Presidente ng Amerika matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling mainit ang relasyon sa pagitan ng US at ng Pilipinas.

 

At kung sakali naman aniya na si Baiden ang lumusot sa US presidential elections ay nakahanda aniya si Pangulong Duterte na makabuo ng pagkakaibigan dito.

 

Ang makabubuti aniya ngayon ay hintayin ang resulta ng ikinakasang eleksiyon sa Amerika na inaabangan ng buong mundo.

 

Mensahe na lang ng Malakanyang kina Trump at Baiden, “may the best man win.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’

    WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo.     Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin […]

  • Djokovic at Federer pasok na sa Quarterfinals ng Wimbledon

    Tinalo kasi ni Djokovic si Cristian Garin ng Chile sa score na 6-2, 6-4 at 6-2.     Habang binigo naman ng Swiss tennis star na si Federer si Lorenzo Sonego ng Italy sa score na 7-5, 6-4, 6-2.     Si Federer ang itinuturing na pinakamatandang tennis player na makapasok sa quarterfinals ng nasabing […]

  • BIR pinagpapaliwanag sa kinanselang Megaworld closure order

    NAIS ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) na magpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ginawa nitong kanselasyon sa closure order ng Megaworld Corporation.     “That was a bizarre series of events that leaves us with more questions than answers. Why was the order issued? Why was it cancelled […]