• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trike driver binaril sa ulo ng rider, todas

DEDBOL ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng isang hindi kilalang rider sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si alyas “Antonio”, nasa hustong gulang at residente ng Panghulo, Obando, Bulacan.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Don Basilio Bautista Bvld, Brgy. Hulong Duhat dakong alas-6:50 ng gabi pauwi na sa kanyang tirahan nang harangin ng lalaking sakay ng motorsiklo.
Bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Panghulo, Bulacan.
Nagsagawa naman kaagad ng dragnet operation ang mga tauhan ni Col. Baybayan, katuwan ang mga pulis sa Obando, Bulacan, subalit bigo silang madakip ang suspek.
Pinasusuri na ni Col. Baybayan sa mga imbestigador ang kuha ng mga nakakabit na CCTV camera sa lugar na pinangyarihan ng insidente at maging sa lugar na dinaanan ng suspek sa pagtakas upang makatulong sa pagkakakilanlan sa kanya habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Richard Mesa)
Other News
  • Diokno, ipinagkibit-balikat ang panawagan na magbitiw sa puwesto, binati ang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”

    IPINAGKIBIT- balikat lang ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.    Ang apela ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay matapos na ipanukala nina Diokno at Balisacan na tapyasan ang tariff rate sa rice imports […]

  • 108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity

    UMAABOT  na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of cala­mity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.     Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos […]

  • Memorable ang eksena nila kasama sina Gina at Jaclyn: ALFRED, naramdaman at nakita kay NORA ang kanyang ina

    INAMIN ng magaling na aktor at konsehal ng Kyusi na si Alfred Vargas na sobrang saya niya na nagkaroon ng opportunity to work with the one and only Superstar and National Artist na si Ms. Nora Aunor sa pelikulang ‘Pieta’ na dinirek ni Adolf Alix, Jr. na ipalalabas this year.     Kaya nasabi niya […]