Trillanes, 9 iba pa, pinaaaresto sa kasong sedition
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
Naglabas na ng arrest warrant ang isang Quezon City court kahapon, Biyernes, Pebrero 14, laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV at sa 9 na iba pang sangkot sa kasong conspiracy to commit sedition.
Inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 ang warrant kung saan nag-ugat ang reklamo matapos na makitaan ng probable cause ng prosecutor ng Department of Justice ang ilang respondents kung kaya’t sila ay kinasuhan.
Cleared naman sa kaso ang iba pang “high-profile” respondents kabilang sina Vice President Leni Robredo, Senador Leila de Lima at Risa Hontiveros at dating Senador Bam Aquino.
Akusado rin sa sinasabing conspiracy case si Peter Advincula, ang nagpakilalang si alyas “Bikoy” na nasa serye ng video ng “Ang Totoong Narcolist” kung saan idinadawit si Pangulong Rodrigo Duterte at ang pamilya nito sa illegal drug trade sa bansa.
Kalaunan ay bumaligtad ito at pinangalanan ang ilang mga personalidad na kasapi sa oposisyon na nasa likod din umano ng nasabing video.
Si Advincula ngayon ang nag-iisang witness ng police Criminal Investigation and Detection Group.
Sinabi naman ng prosekyusyon na iko-konsidera pa nila ang paglilipat ng discharge ni Advincula bilang state witness. Sinabi rin nilang maaari silang mag-presinta ng iba pang witness sa korte.
-
Paramount Releases Trailer of Christoph Waltz’s Directorial Debut ‘Georgetown’
PARAMOUNT has just released the trailer for Georgetown, Christoph Waltz’s directorial debut. The film stars Waltz alongside Vanessa Redgrave and Annette Bening in the strange true story of a marriage, murder and deception. The trailer introduces Ulrich Mott (Waltz) as a fastidious and eccentric social climber, who woos and weds the aging Elsa Brecht (Redgrave), much to […]
-
ADMISSION SA NAVOTAS HOSPITAL LILIMITAHAN
DAHIL sa kakulangan ng medical staff matapos maapektuhan ng COVID-19, kinailangan limitahan muna ang admission ng mga pasyente sa Navotas City Hospital (NCH) simula September 11 hanggang September 30, 2021. Kaya naman humihingi ng pang-unawa ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng NCH […]
-
PBBM, in-extend ang termino ni Police General Acorda bilang PNP CHIEF
IN-EXTEND ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024 bunsod na rin ng matagumpay na pamumuno nito sa police force simula ng italaga noong Abril ngayong taon. “I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing […]