Tripol-dobol ni Ayonayon nagpatalsik sa Skycrapers
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
BUMIDA sina MiCHAEL Ayonayon at dating Philippine Basketball Association (PBA) John Wilson sa paghatid sa defending champion San Juan Knights sa national finals sa pagpapabagsak sa may limang player lang na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa balik ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019-20 North Division Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Subic Bay Convention Center sa Zambales.
Nagbaon si Ayonayon ng triple-double sa likod ng 10 points, 10 rebounds at 11 assists sa pag-angas sa Knights na pugutan ang kalaban na binoykot ng anim na manlalaro dahil sa sahod mula sa pangasiwaan ng koponan na dinahilan ang Covid-19.
Hindi lumaro sina ex-pro Rudy Lingganay, Jeckster Apinan, Joseph Sedurifa, Jeckster at Juneric ‘Jong’ Baloria. Pati sina Cedric Ablaza at Joshua Torralba.
May game-high 22 markers, 6 boards at 4 dimes si Wilson samantalang sumaklolo pa si homegrown talent Jhonard Clarito ng 20 pts., 13 rebs. at 4 asts. Lumamang ura-urada ang San Juan ng 15-0 at hindi na nilingon ang ang katunggali. Dumistansya pa ng hanggang 78 puntos sa labanan.
Aantayin na lang ng Knights ang magwawagi sa sa ihahayag pang petsang pagtutuos sa South Division finale do-or-die Game 3 din ng Basilan Steel at Davao Occidental Tigers.
Nagpositibo sa pandemya ang dalawang Basilan cager at puwersadong nag- one week quarantine ang team kaya kinansela ang laban noon ding Marso 11. (REC)
-
Lorna at Ria, apektado rin dahil sa ‘Monster’: SYLVIA, nadurog ng todo ang puso bilang isang ina
NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong ika-11 Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama na ‘Monster.’ Nagsimula ang partnership ng mag-inang Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna last summer nung sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France […]
-
PAGPA-FILE NG MGA KANDIDATO, LIMITAHAN ANG ISASAMA
PINALILIMITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang mga isasama ng mga kandidato kung maghahain ito ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy para sa 2022 national at local elections. Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng pandemya dulot ng (COVID-19) . “We are reminding those that […]
-
Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez
BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan. Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa […]