• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Truck ban sa Roxas Boulevard, ipapatupad ng MMDA

INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar.

 

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ang nakitang solusyon ng mga mayor sa Metro Manila sa gitna ng kontruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang proyekto partikular sa harap ng US Embassy.

 

 

Sa panig ng MMDA, sinabi ni Dimayuga na naglabas na sila ng isang resolusyon na nagsasaad na ang mga trak at trailer, na may kabuuang kapasidad na timbang na higit sa 4,500 kilo, ay pansamantalang ipinagbabawal na dumaan sa Roxas Boulevard sa Maynila.

 

 

“This is to avoid deterioration and shall instead utilize the original truck routes from SLEX (South Luzon Expressway) to Osmeña Highway to President Quirino Avenue or from Port Area to SLEX,” ani Dimayuga.

 

 

Nagbigay naman ng gabay ang MMDA para sa  alternatibong ruta para sa mga trak na sakop ng pagbabawal.

 

 

Ang magmumula sa  South Luzon Expressway diretso sa Osmeña Highway hanggang Pres. Quirino Avenue, kumaliwa sa Plaza Dilao patu­ngong Pres. Quirino Ext., kaliwa sa U.N Avenue, kumanan sa Romualdez, kaliwa sa Ayala Avenue/P. Burgos Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Bonifacio Drive patungo sa destinasyon.

 

 

Mula naman sa Port Area hanggang SLEX, gamitin ang Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos/Ayala Blvd. tapos kumanan sa San Marcelino, kumaliwa sa Pres. Quirino Avenue saka kumanan sa Pres. Osmeña highway papuntang SLEX.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Dimayuga na magpapatupad ang ahensya ng moratorium sa paghuhukay ng kalsada, maliban sa mga flagship projects ng gobyerno, mula ­Nobyembre 14 hanggang Enero 2, bilang bahagi ng traffic mitigation mea­sures ng MMDA para sa holidays. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mahigit $700-K halaga ng cocaine nakumpiska sa border ng US at Mexico

    NAKAKUMPISKA  ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000.     Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico.     Base sa imbestigasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti […]

  • Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19

    Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers.     Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng […]

  • 2 ‘tulak’ tiklo sa Malabon, Valenzuela drug bust

    SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.       Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon ang hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas […]