• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRUCK HELPER BINARETA SA LEEG NG KA-TRABAHO

MALUBHANG nasugatan ang 28-anyos na truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno na umano ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Christian Borja, alyas “Ogag”, tubong Buhi, Camarines Sur.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadakip naman ng rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station-2 ang suspek na si Ruben Layosa, alyas “Potpot”, 34, tubong Brgy. Taisan, Daet, Camarines Norte at narekober sa kanya ang ginamit na bareta.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, bago ang insidente, nag-inuman ang biktima at ang suspek, kasama ang kanilang mga ka-trabaho sa loob ng trucking yard sa 20 Carbonium St. Goldendale Subdivision, Brgy. Tinajeros kung sa kapwa stay-in ang dalawa.

 

 

Bandang alas-3:45 ng madaling araw, habang naglalaro ng baraha ang biktima kasama ang kanyang mga ka-trabaho sa loob ng kanilang barracks nang biglang pumasok ang suspek na armado ng bareta at tinarakan sa leeg si Borja.

 

 

Kaagad naawat ng kanilang mga ka-trabaho ang suspek saka inagaw ang hawak nitong bareta habang isinugod naman ang biktima sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa naturang pagamutan.

 

 

Sa pahayag ni Layosa sa pulisya, nagawa niya ang pananaksak sa biktima dahil napuno na umano siya sa ginagawang pambu-bully sa kanya ni Ogag. (Richard Mesa)

Other News
  • 1,992 pangalan, pinasisilip ng Kamara sa PSA

    HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority (PSA), na beripikahin ang civil registry records ng 1,992 indibidwal na sangkot sa P500 milyong confidential funds na ginastos umano ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamunuan ni Vice President Sara Duterte.       “May we […]

  • ENCHONG, wala pang reaksyon sa isinampang P1 billion cyber libel case kahit nag-public apology na sa kanyang nai-tweet

    PINANOOD namin ang interview ni Betong Sumaya sa dalawang cast ng The World Between Us ng GMA-7 na magbabalik ng muli sa primetime simula sa November 22 na sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.     Kung si Tom ay high na high pa rin na bagong kasal siya kay Carla Abellana at isa raw […]

  • Senator Imee Marcos, naghain na rin ng COC

    NAGHAIN na rin ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senator Imee Marcos sa ikalawang araw ng COC filing sa The Manila Hotel Tent City,Oktubre 2.     Si Sen.Imee na pag-19 na sa mga Senador na naghain ng COC, sa ilalim ng dating Partido Nacionalista at hindi kaalyado ng anumang pangkat, sektor o grupo […]