Trump, nagbantang dudulog sa Supreme Court; inireklamo ang ‘pandaraya’ ng Biden camp
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
INAKUSAHAN ni US President Donald Trump ang mga Democrats na sinusubukan ng mga ito na “magnakaw” ng isang panalo.
Ayon kay Trump, pinagha-handan na nila ang isang malaking pagdiriwang dahil naniniwala siyang siya ang mananalo sa halalan ngunit bigla itong nawala dahil sa pandaraya umano na ginawa ng kampo ng kanyang katunggali na si Joe Biden.
Aniya, pandaraya raw sa mamamayan ng Amerika ang ginagawa ng panig ni Biden na siyang nagbibigay ng isang kahihiyan sa kanilang bansa.
Nagbanta pa ito na pupunta siya sa Korte Suprema dahil nais niyang “ipatigil ang lahat ng bilangan ng boto.”
“This is a fraud on the American public. This is an embarrasment to our country.”
Alam na raw niya na siya ang mananalo sa halalan ngunit tinanggalan daw ng Democrats ng karapatan ang kaniyang mga supporter na bomoto.
Sa kabila ng kaniyang mga hinaing, pinasalamatan naman ni Trump ang milyon-milyong mga tao sa Amerika na bomoto para sa kaniya.
Samantala, tinukoy din naman ni Trump ang botohan sa Pennsylvania na may nakalaang 20 electoral votes na nakuha nila.
Maging si Biden kampante rin na mananalo sila sa nasabing estado kahit hindi pa natatapos ang bilangan.
Samantala sa buwelta naman ng Biden campaign manager na si Jen O’Malley Dillon, nakahanda silang harapin ang banta ni Trump kung itutuloy nito ang magsampa ng reklamo sa Supreme Court.
“If the president makes good on his threat to go to court to try to prevent the proper tabulation of votes, we have legal teams standing by ready to deploy to resist that effort,” bahagi pa ng sagot Dillon.
Sa speech ni Biden, inanyayahan niya ang kaniyang mga supporter na panatilihin pa rin ang pananam-palataya na mananalo sila sa halalan.
Ang Pennsylvania ay siyang estado ng kanyang kapanganakan kaya’t kampante raw siyang manalo.
Una rito, tatlong araw ang ginugol nito sa kaniyang pangangampanya.
Dagdag pa ni Biden na wala siyang karapatan na magdeklara na mananalo siya o si Trump dahil nasa kamay ito ng mga botante. Dagdag pa ni Biden, masarap ang kaniyang pakiramdam na nangunguna siya sa bilangan ng mga electoral votes kung kaya’t naniniwala siyang nasa tamang “track” sila para manalo.
Pinuri naman ni Biden ang pasensya ng kaniyang mga supporter na nag-aabang sa resulta.
“It’s not my place or Donald Trump’s place to declare who’s won this election,” giit pa ni Biden. “That’s the decision of the American people.” (Ara Romero)
-
LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka
TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo. Sinabi pa ni Vera Cruz, […]
-
Civil konstruksyon ng Bulacan airport malapit nang simulan
MINAMADALI na ang land development ng Bulacan Airport upang masimulan na ang civil works sa susunod na taon habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sasailalim sa privatization. Samantala, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) ay 70 porsiento ng kumpleto ang land development na siyang magiging daan para sa pisikal na konstruksyon […]
-
Daniel Radcliffe is a Bratty Billionaire in the new action-adventure comedy ‘The Lost City’
AN action-adventure comedy is only as good as its villain, and Paramount Pictures’ The Lost City has an unforgettable one in eccentric, author-nabbing billionaire Abigail Fairfax, played by Daniel Radcliffe (“Harry Potter” film series). When Daniel Radcliffe was first mentioned for the role, co-star Sandra Bullock thought the suggestion was, as she calls it, “genius,” […]