• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trump nanood sa UFC kasama ang ilang gabinete

IPINAGDIWANG ni US president-elect Donald Trump ang pagkapanalo nito sa halalan sa pamamagitan ng panonood ng Ultimate Fighting Championship (UFC).

 

 

Nanood ito sa UFC 309 sa New York kasama si Elon Musk at ilang mga gabinete nito gaya nina Robert F Kennedy Jr at Tulsi Gabbard ganun din si Vivek Ramaswamy.

 

 

Sa pagpasok pa lamang ni Trump ay nagpatugtog sila ng malakas na musika kung saan nagsigawan ang mga audience.

 

 

Pinanood nila ang laban ni Jon Jones kung saan tinalo nito si Stipe Miocic.

 

 

Matapos ang laban ay nilapitan ni Jones si Trump at ipinakita nito ang kaniyang belt.

Other News
  • COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 13.1 percent – OCTA

    BUMABA ng may 13.1 percent ang seven-day CO­VID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong  Disyembre 20.     Ito ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group ay mula sa 14.5 percent na positivity rate noong December 13 o may 404 bagong kaso mula sa dating 447 bagong kaso ng virus.   […]

  • PAOLO, nagpapasalamat sa GMA na napiling ex-bf ni HEART at muling nakaganap ng mabait na role sa serye

    IPINALABAS ng GMA Network ang “Love Together, Hope Together,” ang theme ng kanilang 2021 Christmas Station ID.      Napansin agad ng mga netizens na hindi na umabot at hindi na nakasama ang new Kapuso actor na si John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez, ng halos lahat […]

  • Palasyo sa Kamara: Unahin ang 2021 budget sa special session bukas, bago ang pulitika

    DUMISTANSYA ang Malacañang sa isinagawang session ng kampo ni Mariqudue Rep. Lord Alan Velasco sa isang sports club sa Quezon City kung saan hinalal itong speaker ng Kamara.   Pero muling binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat isantabi muna ang pulitika o isyu ng House leadership at […]