• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsina, dedma lang sa concern na agresyon nito laban sa Pinas; pinaratangan ang administrasyong Marcos na may ‘political agenda’ sa sea row

DEDMA lang ang Chinese Embassy sa Maynila sa pagpapahayag ng malasakit at pag-aalala ng ilang bansa kaugnay sa agresyon ng Tsina sa Philippine vessels.

 

 

Ang katuwiran ng Embahada, hindi naman nila kinakatawan ang international community at malinaw na kumakampi lamang.

 

 

Dahil dito, sinisi ng Embahada ang administrasyong Marcos para sa mga nangyayari sa katubigan lalo pa’t tila ginagawang ‘frontline’ ng gobyerno ang mga mangingisdang filipino sa maritime dispute at paigtingin ang tensyon.

 

 

Nagpalabas naman ng ilang kalatas ang Embahada matapos na paulanan ng kanilang Coast Guard ng water cannon ang dalawang Philippine ships na nagsasagawa ng food supply mission sa katubigan sa Bajo de Masinloc.

 

 

Binigyang katuwiran ng Embahada ang naging aksyon nito sabay sabing ang mga naturang vessels ay illegal na pumasok sa katubigan na inaangkin at sinasabing pag-aari ng Tsina.

 

 

Sa kabilang dako, mariing kinondena ng maraming bansa kabilang na ang Estados Unidos ang pinakabagong agresyon ng Tsina.

 

 

“Over the past one year, the same batch of countries issued statements on maritime incidents between China and the Philippines,” ayon sa Embahada.

 

 

“Instead of speaking on the true merits of the matter, those statements were intended to take side. Against nearly 200 countries in the world, this batch of countries cannot represent the international community,” dagdag na pahayag ng Embahada.

 

 

Sinabi pa ng Embahada na ang Pilipinas ang siyang nagpo-provoke ng tensiyon, hindi anito kagaya ng nakaraang administrasyon na hinawakan ng maayos ang usapin ng sea dispute.

 

 

Tinuran pa ng Embahada na ang kasalukuyang gobyerno, hindi katulad ng nakalipas ay “crossed the red line in Huangyan Dao,” o ang Scarborough Shoal, at maging ang sinasabing “reneged on its own words on the management of Renai Jiao and unilaterally abandoned the Gentlemen’s Agreement, Internal Understanding and New Model agreed upon by the two sides.”

 

 

Makailang ulit naman na binanggit ng Beijing ang iba’t ibang kasunduan na pinasok ng Maynila sa kanila kaugnay sa West Philippine Sea. Subalit, wala naman itong maipakitang anumang pruweba pa.

 

 

“This is the real cause of maritime incidents that heightened tension in the South China Sea over the past year,” ayon sa Embahada.

 

 

Tinuran pa ng Embahada na ang administrasyong Marcos ay “hustles the fishfolks to the frontline of maritime disputes in the name of humanitarian assistance” para sa kanilang “political agenda.”

 

 

“This is what’s truly sad,”ayon sa Embahada. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH

    Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare wor­kers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.     Iginiit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit […]

  • Ads September 26, 2024

  • Eduard Folayang umalis na sa Team Lakay

    Nagpasya si Pinoy mixed martial arts Eduard Folayang na umalis na sa TEam Lakay.   Sa kaniyang social media ay kinumpirma ang pag-alis na sa nasabing grupo matapos ang 16 na taon.   Pinasalamatan ng dating two-time ONE lightweight champion ang kaniyang partnership sa Benguet-based MMA gym ganun din sa founder at dating coach nito […]