• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsukii, Didal sumikwat ng medalya

Humirit ng medalya sina Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii at Asian Games skating gold medalist Margielyn Didal sa kani-kanyang international tournaments.

 

Ginulantang ni Tsukii si World No. 6 Valeria Kumizaki ng Serbia upang masikwat ang ginto wo­men’s -55 kgs. sa isang pocket tournament sa Arandelovac, Serbia.

 

Sa kabilang banda, nagkasya sa pilak na medalya si Didal sa Madrid Urban Sports Tournament na isang virtual event para sa skateboarding.

 

Lumasap ang World No. 14 na si Didal ng 0-5 upset loss kay World No. 43 Nanaka Fujisawa ng Japan sa championship round ng event.

 

Pumabor sa Japanese bet ang lahat ng limang huradong sina Anthony Claravall, Danny Wainwright, Jesus Fernandez, Vanessa Torres at Alex Braza para makuha nito ang ginto.

 

Nakapasok sa finals si Didal nang payukuin nito sina World No. 28 Marina Gabriela sa first round at World No. 8 Gabriela Mazetto sa semifinals.

 

Nanaig naman si Fujisawa kina World No. 5 Candy Jacobs at World No. 2 Rayssa Leal para makahirit ng puwesto sa gold-medal match.

 

Parehong naghahabol sina Tsukii at Didal na makahirit ng tiket sa Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.

Other News
  • SIM card registration, suspindihin muna para sa mabantayan ang datos ng publiko

    KASUNOD  na rin sa sunud-sunod na data system hacks sa mga government websites ipinag-uutos na sana ay sispindihin muna ang SIM card registration para sa mabantayan ang datos ng publiko.     Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, kailangang itigil muna ang pagkuha ng online data ng mamamayang Pilipino hangga’t di naipapakita ng administrasyon […]

  • Rapid testing ‘di inirerekomenda ng DOH

    Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang hindi nila pagrekomenda sa paggamit ng ‘rapid testing’ na ginaga­mit na basehan bilang clearance sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa dahil sa mataas na ‘false positive o false negative’ na mga resulta.   Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dati pa namang posisyon ng […]

  • Quarantine facilities kailangang mag- provide ng isolation rooms

    BINIGYAN ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang  COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng  isolation rooms.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson t Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng  IATF Resolution 157.     “The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for […]