• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsunami dahil sa pagsabog ng bulkan sa Tonga naramdaman sa Japan at California

NARAMDAMAN ang pagtaas ng tubig sa karagatan ng Japan at California dulot ng bahagyang tsumani dahil sa pagputok ng underwater volcano sa Tonga.

 

 

Unang pumutok ang Hunga-Tonga-Hunga-Ha’apai volcano na matatagpuan sa Fonafo’ou island sa Tonga noong Biyernes na sinunda nitong Sabado.

 

 

Nagpakawala ng makapal na abo, gas at kumukulong usok na may taas na 20 kilometro sa ere ang nasabing sumabog na bulkan.

 

 

Nagdulot din ng tsunami sa Tongatapu ang capital ng Tonga kung saan mabilis naman na inilikas ang mga mamamayan sa mataas na lugar.

 

 

Unang itinaas ang tsunami warning sa Japan at sa western California subalit tinanggal din ang warning matapos ang ilang oras.

Other News
  • DepEd, naglaan ng P1-B na pondo para sa expansion phase ng limited F2F classes

    NAGLAAN ng humigit-kumulang isang bilyong piso ang Department of Education (DepEd) bilang support funds para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.     Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na ito ay bilang paghahanda ng kagawaran para sa mas dumarami pang mga paaralan na nakatakdang lumahok sa progressive expansion ng limitadong face-to-face classes […]

  • Psalm 86:11

    Teach me your ways, O Lord, that I may live according to your truth.

  • PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines

    SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.   ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing.   Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap […]