Tugon ng China sa COVID-19, ikinadismaya ng US?
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
Dismayado umano ang Estados Unidos sa naging paraan ng China tungkol sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga taong nadapuan ng sakit na coronavirus.
Sinabi ni National Economic Council Director Larry Kudlow na inaasahan daw ng administrasyon ni US President Donald Trump ang mas transparent na impormasyong ihahatid ng Chinese government sa publiko.
Hindi rin daw nila ikinatuwa ang ginawang pagtanggi ng Beijing sa imbitasyon ng Amerika na magpadala ng grupo ng mga eksperto mula sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention upang tumulong sa China na kontrolin ang paglaganap ng sakit.
Aniya, maraming kwestyon ang wala pang malinaw na kasagutan at hindi rin umano nila nakikitaan ng kooperasyon ang China.
Una nang sinigurado ni Chinese President Xi Jinping na handa itong makipagtulungan kay President Trump.
Gayunpaman, wala pa ring malinaw na kasagutan ang mga kwestyon na lumulutang laban sa China at hindi rin umano nakikitaan ng Amerika ng kooperasyon ang naturang bansa hinggil dito.
Una nang pinuri ng World Health Organization (WHO) ang China dahil sa naging tugon nito sa naturang outbreak kumpara noong 2002-2003 kung saan kasagsagan ito ng SARS virus epidemic .