• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tugon sa quarantine requirement: Team PH maagang tutulak sa Tokyo

MAAGANG tutulak sa Tok-yo, Japan ang Team Philippines para sumailalim sa quarantine period at health check requirements na kailangan bago sumalang sa 2020 Olympic Games na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

 

Ito ang inihayag ni chef de mission Nonong Araneta kahapon kung saan plano nitong ipadala ang pambansang delegasyon dalawang linggo bago magsimula ang quadrennial meet.

 

Ang aksiyon ay bunsod ng kumakalat na coronavirus disease na libu-libong tao na ang tinamaan sa iba’t ibang panig ng mundo at mayroon nang mahigit 3,000 na namatay dahil dito.

 

Wala pang opisyal na desisyon ang International Olympic Committee at Tokyo Olympics organizers kung ipagpapaliban muna o tuluyan nang kakanselahin ang Olympics.

 

Kaya naman tuloy lang ang paghahanda ng Team Philippines para rito.

 

“Walang official cancellation, walang official postponement, so we’re preparing as if it will go on as planned,” ani Araneta.

 

Ikinuwento rin nito ang hirap sa qualification process dahil ang mga torneo na kailangan para makapasok sa Tokyo Olympics ay kinakansela dahil sa virus.

 

Sa katunayan, tatlong Pinoy athletes na ang o-pisyal na mapapasama sa Tokyo Games.

 

Ito ay sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at SEA Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics na nadagdagan pa sa ngalan ni Eumir Felix Marcial na nakahirit ng tiket sa Olympics sa ginaganap na 2020 Asian-Oceanian Continental Olympic Qualifying Tournament sa Amman, Jordan.

 

May 64 atleta pa mula sa archery, athletics, swimming, basketball, boxing, cycling, canoe-kayak, fen-cing, golf, gymnastics, judo, karate, rowing, skateboar-ding, table tennis, taekwondo, triathlon, weightlifting at wrestling ang lumalaban para sa Olympic slot.

 

May 18 sa mga ito ang may pinakamalakas na tsansang makapasok sa Tokyo Games kabilang na si Rio Olympics silver medallist Hidilyn Diaz ng weightlifting. (REC)

Other News
  • Pres-elect Marcos at pamilya naghahanda na para sa kanyang ‘assumption to office’

    KINUMPIRMA ni President-elect Bong Bong Marcos na nasa transition process ang kanyang pamilya para maging First Family simula June 30,2022.     Sa isang video na pinost sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos Jr., na ang kanyang asawa na si Liza at mga anak na sina Sandro, Simon at Vinny ay kasalukuyang nag-aadjust para […]

  • Pogoy kinilala ng FIBA

    Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas player Roger Ray Pogoy na napansin ito sa international arena at nabigyan pa ng titulo bilang most improved players ng FIBA.com.   Ayon sa FIBA, hinirang nila si Pogoy base sa statistic record nito sa FIBA Asia Cup 2017 hanggang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers first window noong Pebrero.   Base […]

  • Mahigit 5,000 na kabahayan na low-income members ang napautang na – PAG-IBIG Fund

    AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.     Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-finance mula Enero hanggang Abril 2022.     Binuo ito ng […]