Tugon sa trending sa FB na #wagkalimutanyungbinulsang 15BsaPhilhealthChallenge
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
NANANATILI ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian sa state insurer.
“There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa trending ngayon sa FaceBook na #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge.
Sa katunayan aniya, ang Department of Justice, sa pamamagitan ng PhilHealth Task Force, ay isinasapinal na ang reklamo laban sa mga opisyal na nasa report na isinumite kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sampahan ng kaso sa tamang venue.
Kaalinsabay nito, ang composite teams na inatasan na tingnan hindi lang ang PhilHealth Legal Sector ay nagpapatuloy sa kanilang inbestigasyon.
“Zero tolerance against corruption is not just a catchphrase but a serious matter in the current administration,” ayon kay Sec. Roque.
-
Kung si Barbie ang Primetime Princess ng GMA: SHAYNE, nagulat nang ipinakilalang ‘Afternoon Prime Drama Princess’
SI Barbie Forteza ang kinikilalang Kapuso Primetime Drama Princess, ngayon, si Shayne Sava, ang StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, ay siya namang tinaguriang GMA Afternoon Prime Drama Princess. Ikinagulat ito ni Shayne nang i-introduce siya sa zoom mediacon ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama Princess sa ganoong title. Hindi raw siya makapaniwala. […]
-
Crawford hinamon si Pacquiao matapos ang panalo kay Brook
Umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao. Ito ay matapos na magwagi si Crawford sa pamamagitan ng knockout laban kay Kell Brook. Dahil sa panalo ay mayroon na itong 37 panalo na walang talo na mayroong 28 knockouts. Sinabi ni Crawford na matagal na […]
-
Ads July 29, 2021