• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon

Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero.

 

 

Ayon kay Col. Villanueva, dakong 3 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joseph Alcaraz ng buy bust operation kontra sa suspek sa kanyang bahay.

 

 

Nagawang makapagtransaksyon ni PSSg Sembrero na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek subalit, nakatunog umano si Rabot na pulis ang kanyang katransaksyon.

 

 

Kaagad bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang back up na operatiba na si PCpl Cabrera III na nagresulta ng kamatayan ni Rabot.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala, isang missed fire, dalawang fired cartridges, limang plastic sachets ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads June 24, 2022

  • 78% ng isolation facilities sa NCR, okupado na

    Okupado na ang nasa 78 porsyento ng mga isolation facilities sa National Capital Region (NCR) kabilang ang mga “qua­rantine hotels” at “temporary treatment facilities”.     Ito ang inihayag ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega kasabay ng pana­wagan niya na madagdagan na ang mga isolation facilities sa rehiyon.     “If we have […]

  • Speaker Romualdez ikinalugod ang positibong forecast ng WEF na maging $2-trillion ang ekonomiya ng Pilipinas

    IKINALUGOD ni Speaker Martin Ferdinand Martin Romualdez ang positibong pagtaya ng World Economic Forum (WEF) na ang Pilipinas ay posibleng maging $2-trillion economy sa susunod na dekada.     Ang inaasahang paglago ng ekonomiya ay maihahanay sa bansang Canada, Italy, at Brazil.     Sinabi ni Speaker Romualdez na ang projection ni World Economic Forum, […]