• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak kalaboso sa P1 milyon shabu sa Caloocan

MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.
          Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, (watchlisted) ng Brgy. 174 ng lungsod.
          Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-7:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Captain Rico St., corner Tulip St., Barangay 174, Camarin.
          Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P37,500 halaga ng droga sa suspek at nang tanggpin nito at marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng umano’y shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 37 pirasong P1,000 boodle money.
          Pinuri naman ni Peñones ang patuloy na pagsisikap ng Caloocan City Police para sa kanilang walang humpay na kampanya kontra sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y notoryus na tulak ng droga.
Kakasuhan ng pulisya ng paglabag sa Section 5 (Sale), Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
Other News
  • Carlos Yulo gold sa parallel bars sa Baku

    Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang unang gintong medalya sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan matapos pagharian ang parallel bars final noong Sabado ng gabi..   Matapos mapalampas ang final sa kanyang pet event floor exercise, si Yulo ay higit na nakabawi dito sa isang perpektong routine sa parallel bars para […]

  • KYLIE, bigay-todo at hahangaan sa ‘The Housemaid’; happy sa pagiging supportive ni JAKE

    NGAYONG ika-10 ng Setyembre, kakaibang Kylie Verzosa ang mapapanood sa The Housemaid, ang erotic thriller mula sa Viva Films, dahil ilalabas nito ang pagiging inosente, mapusok, kalmado at palaban.     Si Miss International 2016 ay gumaganap bilang Daisy, kinuhang taga-pangalaga ng isang batang si Nami (Elia Ilano), anak ng bilyonaryong si William (Albert Martinez), […]

  • Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM

    ITINUTURING ng  Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan.     Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika […]