• June 23, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinaboran ang pahayag ng NEDA na kakayaning makamit ng Pinas ang 2021 Economic Growth Target

PABOR ang Malakanyang sa naging pahayag ng National Economic Development Authority ( NEDA) na makakamit ng bansa ang 2021 Economic Growth kahit pa manatili sa alert level 2 ang National Capital Region (NCR) hanggang Disyembre 15.

 

Sinabi rin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsalita na ang NEDA at ang mga economic manager ng gobyerno hinggil sa bagay na ito.

 

Kaya aniya, tiwala rin ang Malakanyang na mararating ng bansa ang economic growth targets nito ngayong taon.

 

Sinabi ni Nograles na kahit may mga hindi inaasahang pangyayari, kung patuloy namang bababa ang Covid-19 cases, kabilang na ang pagbaba ng Average Daily Attack Rate (ADAR) at ng two-week growth rate na sasabayan pa ng patuloy na safe reopening ng ekonomiya, malaki ang posibilidad na makuha ng Pilipinas ang target nitong paglago Ng ekonomiya bago matapos ang 2021.

 

Dahil dito, nananawagan ang pamahalaan sa mga hindi pa rin natuturukan ng vaccine na magpabakuna na dahil kapag mas marami aniyang nakatanggap na ng bakuna, mas magiging kampante ang lahat, gaya ng negosyo, livelihoods, trabaho, lalo na ang ekonomiya. (Daris Jose)