• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Tulak’ laglag sa P.1M droga sa Valenzuela

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasabat sa isang drug suspect matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas ‘Alvin’ sa kanilang lugar sa Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez at PEMS Restie Mables ang buy bust operation kontra sa suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanya ng P9,500 halaga ng shabu.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 marked money na may kasamang siyam na pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:35 ng madaling araw sa S. Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Nakuha sa suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000, buy bust money, P100 recovered money at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

    Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.     Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine […]

  • ‘Face shield scam’ iniimbestigahan na

    Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”   Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.   Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa […]

  • Polish tennis star Swiatek nagkampeon sa Miami Open matapos talunin si Naomi Osaka

    TINANGHAL  bilang kampeon ng Miami Open si Iga Swiatek ng Poland matapos talunin si Naomi Osaka.     Dahil sa panalo ay posibleng makuha nito ang number 1 spot sa world ranking matapos ang pagreretiro ni Ashleigh Barty.     Mula sa simula ng laro ay hindi na hinayaan ni Swiatek na makalamang pa sa […]