Tulak timbog sa P170-K shabu
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado habang dalawang menor de edad ang narescue sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38, ng V Cruz St. Brgy. Tangos.
Ayon kay Col. Balasabas, ala- 1:55 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kay Magbanua sa Ignacio St. Brgy. BBN kung saan isang undercover police na nagpanggap na poseur buyer ang nagawang makabili sa suspek ng P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba habang narescue naman ng mga pulis ang dalawang menor de edad na tinurn-over sa Bahay Pag-asa.
Nasamsam sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga ng shabu, P500 cash at buy bust money.
Samantala, nasakote naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela Police si Vincent Lindayug matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa Phase 1 Siudad Grande Lingunan, Valenzuela City alas-2-45 ng hapon.
Narekober sa suspek ang buy- bust money, dalawang plastic sa- chets ng hinihinalang shabu, cellphone bag at motorcycle Honda. (Richard Mesa)
-
CICC sa mga na-scam: ‘Huwag magreklamo sa social media’
HUWAG magreklamo sa social media dahil wala itong maitutulong sa sinumang biktima ng scam. Ito naman ang binigyan diin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bunsod ng pagpo-post ng ilang biktima ng scam sa social media. Ayon kay CICC executive director Alexander Ramos, maaring makipag-ugnayan o tumawag sa kanila ang […]
-
Target na ‘population protection’ sa PH hanggang Disyembre ‘di nagbabago – IATF
Hindi umano nagbabago ang target ng IATF na population protection bago matapos ang taong kasalukuyan. Kung maalala dating tinatawag ng pamahalaan ang salitang herd immunity kung sakaling mabakunahan na raw ang 70 na popolasyon sa Pilipinas. Ginawa ni testing czar Vince Dizon ang pahayag na positibo pa rin sila na makakamit […]
-
Para sa mga aspiring singers: NINA, nag-advice na alagaan ang talent at ‘wag lumaki ang ulo
MAY advice o tips ang Diamond Soul Siren na si Nina sa mga baguhan o aspiring singers para tumagal sa industriya. “Alagaan ang boses, alagaan ang talent, and huwag lumaki ang ulo. “Kasi yun ang pinaka-first and foremost e, kasi automatic na parang feeling mo pag famous ka na, ang dami […]