Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA).
Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture kung ano ang sunod na hakbang ng DA sa naturang isyu.
Idinagdag pa niya na patuloy na lumiliit ang farmland dahil binibili ng malalaking developer at ginagawang residential at commercial land.
Pinabulaanan naman ito Villar at sinabing hindi bumibili ng lupa sa probinsya ang mga developers.
Nabatid na ang Senadora ay nagmamay-ari ng property developer na Vista Land at Lifescapes Inc.
Paliwanag pa ni Villar, ito ang kanilang negosyo subalit hindi sila bumibili ng agricultural lands sa mga lalawigan at walang bibili ng mga bahay sa agricultural lands.
Subalit sagot ni Tulfo, may patunay siya na ang mga sakahan ay ginagawang subdivision kaya ito ang dahilan kaya gusto niyang maipasa ang panukalang National Land Use Act.
Pinutol naman ni Villar ang tanong ni Tulfo kung ano ang magiging aksyon ng DA dito at sinabing saan titira ang mga tao kung hindi magtatayo ng mga subdivisions.
Sagot naman ni Tulfo maraming ibang lugar na maaaring pagtayuan ng subdivision at huwag lang na itake-over ang mga farms. (Daris Jose)
-
Ads November 15, 2024
-
HOSPITAL OCCUPANCY SA MM NASA DANGER ZONE NA
KINUMPIRMA ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nasa “danger zone” na ang mga hospital sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19. “Nasa danger zone tayo ngayon sa NCR, nakikita natin na talagang tumataas ang kaso sa ÇOVID 19 ,”ayon kay Vergeire. Nabatid na umakyat na sa […]
-
Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen
Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na […]