• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulong medikal at Bayanihan E-Konsulta ni Robredo, ititigil na simula June 1

ITITIGIL na ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang medical assistance at Bayanihan E-Konsulta programs simula sa Hunyo 1.

 

 

Dahil dito ay hindi na rin tatanggap pa ng anumang aplikasyon para sa medical at burial assistance ang nasabing tanggapan.

 

 

Ito ay upang magbigay daan sa maayos na transition at pag-turnover ng programa sa susunod na mauupong bise presidente ng bansa.

 

 

Samantala, taos-puso namang nagpaabt ng pasasalamat ang opisina ni Vice President Leni Robredo sa lahat ng nakiisa sa inisyatibo sa paghahatid ng kinakailangang tulong medikal sa mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Tiniyak naman nila na magpapatuloy sila sa pagbibigay ng mga update sa lahat hinggil sa mga susunod pa nilang magiging hakbang. (Daris Jose)

Other News
  • 4 drug suspects timbog sa P1.2M shabu sa Caloocan

    Arestado ang apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.     Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba […]

  • Fajardo alalay lang sa pagbabalik-PBA

    HINAY-HINAY lang muna ang kilos sa kanyang pagbabalik ni June Mar Fajardo sa 46th PBA Philippine Cup 2021 na magbubukas sa Abril 9 dahil sa minor operation sa infection ng fractured tibia kamakailan.     Ito ang ibinunyag nitong isang araw lang ng matagal ng mentor ng six-time PBA MVP na si Atty. Baldomero Estenzo. […]

  • VICE, pinasasalamatan ni AWRA dahil sa pag-alalay noong naipit sa kontrobersya

    ISANG panaginip kung ide-describe raw ng pinakabagong Kapuso star na si Pokwang ang tambak na blessings na kanyang natatanggap mula nang lumipat siya sa GMA Network.     Pahayag ni Pokwang: “Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful. Sobrang excited na ako gawin ang mga projects na naka-ready for […]