• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulong ng UN, asahan para sa mga biktima ng bagyong Odette

SINIGURO ng isang opisyal ng United Nations (UN) na isinasagawa na ang “coordinated response” mula sa organisasyon at katuwang nito para tulungan ang mga nangangailangan sa katatapos lamang na paghagupit ng bagyong Odette.

 

“The reports and images of utter devastation they are sending back are heartbreaking and our deepest sympathies go out to those who lost so much, including loved ones,” ayon kay niUN Resident and Humanitarian Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez.

 

Aniya, ang UN agencies, non-government organizations (NGO), katuwang sa pribadong sektor ay gumagawa na ng hakbang para makapagbigay ng pabahay, maayos na kalusugan, pagkain, proteksyon at iba pang “life-saving responses” sa mga apektado.

 

“We are coordinating with the Government authorities to ensure we provide timely support and are fully mobilized in addressing critical gaps and the needs of the most vulnerable,” ayon kay Gonzalez.

 

Pinuri naman nito ang propesyonalismo ng mga front-line responders sa pangunguna ng Philippine government officials, Philippine Red Cross, at iba pa sa evacuation, search, and rescue efforts “in very difficult circumstances and logistics.”

 

“On behalf of the UN and the Humanitarian Country Team, our message to the people of the Philippines is one of solidarity and support,” ani Gonzalez.

 

Nauna rito, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ang pinsalang dulot ng bagyong Odette sa bansa ay napakalaki base sa inisyal na report.

 

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dineploy na para magdala ng tulong sa mga apektadong lugar. (Daris Jose)

Other News
  • Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu

    TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’     Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal […]

  • Ads January 20, 2021

  • Simon, Thoss, Carey goodbye PBA na

    SWAN song na nina Peter June Simon at Joachim Gunther ‘Sonny’ Thoss ang Philippine Cup ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup sa Linggo, Marso 8 sa Araneta Coliseum.   Magre-retiro na ang dalawa pagkatapos ng nasabing season-opening conference ng professional cage league. Tungtong sa edad na 40 taong-gulang na sa darating na […]