Tulong Puso Group Livelihood Program, inilunsad ng OWWA
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Tulong Puso Group Livelihood Program para matulungang makapagsimulang muli ang mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid- 19 pandemic.
Sa Laging Handa Public Press Briefing sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang nasabing programa ay magkakaloob ng P150,000 – P1 million livelihood grant sa mga OFWs.
Ang paliwanag ni Cacdac, para makapag- avail ng programa kinakailangang bumuo ng pangkat o grupo ang OFWs na hindi bababa sa 5 ang miyembro na 80% sa kanila ay nawalan ng trabaho abroad dahil sa pandemya.
Rehistrado rin dapat ang grupo sa workers’ association ng DOLE o sa Securities and Exchange Commission, maliban sa mga dokumentong magpapatunay na nawalan nga ang mga kasaling ofws ng trabaho abroad dahil sa Covid-19 kinakailangan din nilang magsumite ng comprehensive business plans sa OWWA.
Sinasabing, susuriin ding maigi ang business proposals ng mga OFWs at ang mga negosyo na katulad ng spa, salon, gym o fitness centers ay hindi muna papayagan sa ngayon.
Aniya pa, magiging mahigpit ang screening bago sila magkaloob ng livelihood grant nang sa ganon ang maging end goal ng mga interesadong OFWs ay magtagumpay sa bago nilang karera sa buhay.
-
P5K ayuda sa 4 milyong minimum wage earners, itinulak
SA GITNA na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa. Kasabay nito, inirekomenda rin ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging […]
-
DepEd hinimok na magpatupad ng 2-week health break para sa mga guro
Hinimok ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) na tiyaking laging naka-monitor sa kalusugan ng mga guro. Ayon kay Castro, base sa survey na isinagawa ng Alliance of Concerned Teachers -NCR, lumalabas na 55.3 percent ng mga teacher-respondents ang mayroong flu-like symptoms. Nakakaalarma aniya ang dami […]
-
Higit 922K naturukan na vs COVID-19
Umabot sa 922,898 indibidwal ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH). Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang first dose ng bakuna, habang 3.7% o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose. Mayroon din uma-nong 2,670 vaccination sites sa buong bansa ang […]