• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN

ITUTULOY pa rin ng Senado ang planong pag-imbestiga sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa kabila ng paghahain ng gag order motion ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema.

 

“A motion for a gag order is what it is. Just a motion. The Supreme Court will still have to decide on it under existing laws and all the cases it has decided before recognizing the jurisdiction of its co-equal branch,” sabi ni Senator Grace Poe, chair ng Senate public services committee.

 

“Whether it will apply the gag order on our hearings is up to the Court to decide but our hearing will push through according to our Constitutional mandate,” dagdag pa nito.

 

Inihalimbawa ni Poe ang pagbasura ng Korte Suprema sa kahalintulad na ‘motion for a gag order’ sa co-equal branch – ang Executive branch – sa Disbursement Acceleration Program (DAP) cases noong 2013.

 

Ang tinutukoy nito ay ang desisyon ng Korte Suprema na binasura ang manifestation na inihain ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr. na humiling na ipahinto sina Pangulong Benigno Aquino III at mga alter-ego nito mula sa pagdepensa ng stimulus program habang nakabinbin pa ang petisyon.

 

Ginawa ni Poe ang pahayag matapos hilingin ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na mag-isyu ng gag order na pumipigil sa ABS-CBN na pag-usapan ang quo warranto petition na nauna niyang inihain sa korte para ipawalang-bisa ang prangkisa ng nasabing network.

 

“Tuloy ang pagdinig natin base sa mandatong ibinigay sa atin ng Konstitusyon. Korte Suprema na ang bahalang magpasya sa kanilang mosyon sang-ayon sa umiiral na batas at naunang pagpapasya kung saan kinilala nito ang hurisdiksiyon ng kapantay na sangay ng pamahalaan,” sabi ni Poe.

Other News
  • DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA

    HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria.     Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke.     Napag-alaman na mismong  ang  Dagupan Outpost ng Moriones […]

  • Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang

    NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan.     Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19.     Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]

  • Wagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival: KC, happy and proud sa kanyang first international film na ‘Asian Persuasion’

    HAPPY and proud si KC Concepcion dahil ang kanyang first international film na “Asian Persuasion” ay nagwagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival.   “Out of over 100 film entries at the Soho Film Fest, ‘Asian Persuasion’ won the AUDIENCE CHOICE AWARD for full-length feature! Ang saya,” ayon sa Instagram post ni […]