• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy ang pagiging brand ambassador ng ’Sante’: Kuya KIM, walang alam kung ang show nila ang papalit sa ’It’s Showtime’

IPINAGMAMALAKI ng Santé, isang leading provider ng premier health at wellness products sa Pilipinas, na i-announce ang renewal ng partnership nito sa kanilang brand ambassador na si Kim Atienza.

 

 

 

Kilala bilang si “Kuya Kim,” at humigit isang dekada na siyang mahalagang bahagi ng pamilya ng Santé sapagkat kinakatawan niya ang misyon ng brand na makatulong sa pagpapaganda sa buhay ng mga tao.

 

 

 

Cornerstone ng partnership na ito ang enduring loyalty at commitment ni Kuya Kim sa Santé. Ang kanyang adbokasiya para sa mas malusog at aktibong pamumuhay ay swak sa core values at vision ng Santé.

 

 

At sa nakalipas na mga taon, mahalaga ang naging papel ni Kuya Kim, na malapit na palang maging senior citizen, sa pag-promote ng mga premium health products ng Santé, habang kanyang binabahagi ang mga benepisyo ng malusog na pamumuhay sa di mabilang nga mga indibidwal at mga pamilya.

 

 

Sa January 24, 2025 ay 58 years old na si Kuya Kim.

 

 

Kaya natanong siya kung mag-i-slow down na ba siya sa pag-e-exercise?

 

 

“Nagbago ang diet ko because I didn’t want to have another stroke,” sagot ni Kuya Kim.

 

 

“Pag nagka-stroke ka, ayaw mo nang maulit. And way to avoid it is really preventive. Good lifestyle, a lot of exercise, rich in fiber food which is Sante Barley.

 

 

“Good nutrition. And controlled eating. I control my sugar also, e.

 

 

“And then as far as exercise is concerned, it’s old thinking to say na pag matanda ka na, therefore you have to slow down your exercising. That’s not true.

 

 

“Hindi! That’s not true! Kapagka habang tumatanda tayo, the more we should exercise para bumagal ang pagiging matanda natin.”

 

 

At bilang bahagi ng renewed partnership na ito, isa si Kuya Kim sa mga artist ana mangunnguna sa bago at kapanapanabik na campaign ng Santé – ang “Live For More.” Mula sa tagumpay ng “Live More. Do More.” initiative, ilalagay ng bagong campaign na ito ang mensahe sa mas malawakang platforms upang mas madami ang ma-inspire na yakapain ang walang katapusang mga posibiladad ng buhay at para din ma-inspire ang mga tao na mabuhay ng may magandang layunin at ng may kakaibang lakas ng pangangatawan.

 

 

Sa renewed partnership na ito at sa launch ng “Live For More” campaign, magkasama ang Santé at si Kuya Kim sa pag-inspire ng mga tao sa buong mundo na mamuhay ng mas malusog at mas fulfilling na buhay.

 

 

***

 

 

AND speaking of renewal, wala pa raw katiyakan kung magkakaroon ba ng renewal ang ‘It’s Showtime’ sa GMA-7 na hanggang December 2024 na lang ang kontrata.

 

 

Sa pagpasok ng January 2025 ay dapat malinaw na kung anong noon time ang mapapanood sa Kapuso Network.

 

 

At umugong na kung hindi magkakaroon ng magandang resulta ang negotiation ay baka ang ’TiktoClock’ na station-produced variety program na hinu-host Nina Kuya Kim, Pokwang, Kim Atienza, Jayson Gainza, Faith Da Silva, at Herlene Budol ang ipalit.

 

 

Kaya naman natanong si Kuya Kim tungkol dito, “As far as TiktoClock is concerned, ang TiktoClock is… we do our best every day.

 

 

“Siguro kaya nasasabi na kami ang papalit et cetera, dahil yung hitsura ng show, parang noontime ang dating e. Kasi pre-noontime show siya, e.

 

 

“As far as kami ba ang papalit o hindi, we know that everything is under negotiation. Our bosses are talking.

 

 

“The bosses of ABS, the bosses of GMA are talking. Everything is under negotiation.

 

 

“And us in TiktoClock, we don’t know how the negotiations are.

 

 

“We wish the best for everyone and for the television. Hindi namin alam.”

 

 

Sey pa raw ng taga-TiktoClock, na masaya na sila sa kanilang timeslot dahil less ang pressure at stress kumpara nga naman kung malilipat sila sa noontime show.

 

 

Oh well, abangan na lang natin ang magiging announcement ng GMA-7 bago matapos ang taon.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 24 senador pinalagan ‘People’s Initiative’ para sa Charter change

    NILAGDAAN ng lahat ng senador ng Republika ng Pilipinas ang isang joint statement laban sa signature drive ng ilan para maamyendahan ang 1987 Constitution, bagay na bubura raw sa boses ng mga mambabatas.     Ang pahayag ay binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa isang plenary session habang pinag-uusapan ang kontrobersyal na People’s […]

  • 3 KULONG SA P.6M HALAGA NG DROGA SA CALOOCAN

    Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng pulisya ng halos P.6 milyon halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na operation sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa […]

  • DBM, aprubado ang 25 permanent posts para sa teacher education Council ng DepEd

    INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 25 permanent positions pra sa Teacher Education Council (TEC) Secretariat sa ilalim ng Department of Education (DepEd).     Ang mga bagong posisyon ay kabilang sa organizational structure and staffing pattern (OSSP) para sa TEC Secretariat, na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong […]