Tuloy ang selebrasyon sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPAHIWATIG ang isang Pari na tuloy ang selebrasyon pero hindi katulad ng tradisyon na ginagawa.
Ito ang inihayag ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong kaugnay sa nalalapit na pagditriwang ng Kapistahan ng Quiapo.
Ayon kay Fr. Badong, maaring hindi matuloy ang tradisyunal na Traslacion ngunit mayroon silang plano upang sa gayon ay matuloy pa rin ang selebrasyon ng Kapistahan ng Quiapo.
Isa sa naiisip ng pamunuan ng Quiapo ang pagsasagawa ng mo- torcade at ang ruta ay sa main road lamang kung papayagan sila ng IATF at kong matitiyak ng mga panatiko ang disiplina na sumunod at manatili lamang sa isang tabi habang dumadaan ang Nazareno upang mapanatili ang social distancing.
Paliwanag ni Fr. Badong, malaking pagbabago ang maga- ganap sa Kapistahan ng Quiapo dahil na rin sa pandemya, lalo pa at nagdesisyon na rin aniya si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” na hindi papayagan ang dating pamamaraan ng pagdiriwang.
Ngunit ayon kay Fr. Badong hindi naman aniya ibig sabihin na wala na tayong selebrasyon.
Ayon sa pari, may mga paraan paano ipagdiriwang ang Kapistahan ng Quiapo at kong papaano ipagdiwang ay mayroon nang ilang mungkahi sa IATF kung papayagan o hindi.
Sakali namang payagan ng IATF ang motorcade kung saan nasa sasakyan lamang ang Nazareno ay kanila namang paghahandaan at ng mga hijos upang hindi ito dumugin ng mga deboto at sampahan tulad nang nangyari sa nagdaaang prusisyon.
Sinabi rin ni Fr. Badong na malabo na ring mangyari ang “pahalik” sa Luneta kaya naman gagawa sila ng alternatibo kung saan maaring makalapit ang mga panatiko sa nazareno ngunit hindi maaring makahalik at humawak.
Paiigtingin din ang misa ng hanggang 24 oras kung kakayanin ng Simbahan sakaling hindi talaga payagan ang motorcade.
Bukod dito, maglalagay ng mga stations sa palibot ng Quiapo at magkakaroon ng altar. Maglalagay din ng screen upang mapanood ang misa sa Quiapo na hindi na kailangan dikit –dikit ang mga pananampalataya.
Umaasa naman si Fr.Badong na madesisyunan na ng IATF ang kanilang rekomendasyon upang sa gayun ay mapaghandaan ng Simbahan.
Ngayon palang madisiplina saan exit entrance kesa biglaan san alam san pupunta. (Gene Adsuara)
-
Sangkot sa pastillas scheme pinakakasuhan
PINAKAKASUHAN na ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) sa Office of the Ombudsman ng kasong administratibo at criminal ang 86 personalidad na sangkot sa umanoy ‘Pastillas Scheme’. Sa 27 pahinang reklamo ng NBI-SAU na inihain sa Ombudsman, pinangalanan ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Immigration na bahagi umano sa ‘Pastillas group’ at […]
-
SC, inilabas na ang buong desisyon ng Anti-Terror Law
INILABAS na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opinions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020. Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional. Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 […]
-
Mga golfer marami ng torneo sa 2021
SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021. Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other […]